Simple Personal Finance Diagnostic
Sa aming pananaliksik, 30% lamang ng mga sumagot ang may passive income, at ang passive income ay bumubuo ng 2% ng kanilang kita. Karaniwang kilala sa kanilang grupo o komunidad ang nakakukuha ng score na 8 pataas.
Ang nakatutuwa rito ay hindi sila ang mga tipong ipinagyayabang ang kanilang yaman. Kilala nila ang kanilang mga sarili at komportable sa kung sino sila. Confident rin sila na wala silang kailangang patunayan sa iba.
Maaaring isipin na karamihan sa mga sumagot ay nasa kategorya ng 6-7 dahil ito ang average description ng personal finance diagnostic ngunit hindi pa rin sila umaabot sa minimum na itinakda ng isang mainam na personal finance practices. Sa katunayan, nasa 4-5 silang kategorya.
Kung gayon ay may sinasabi ito tungkol sa mababang personal finance practices ng mga Filipino kaya’t dapat natin itong pagtuunan ng pansin dahil mahalagang usaping panlipunan ito na kailangan lutasin agad. Hindi natin gugustuhing maulit ang consumer-driven debt na nangyari sa mga mauunlad na bansa noong 2008.
Kung nais ng Pilipinas na protektahan ang kanyang ekonomiya ay kailangan niya ng malawakang edukasyon sa financial literacy. Nararapat nga lang na nakapaloob ito sa ating curriculum sa elementarya.
Ang average financial literacy level kung tutuusin ay hindi isang magandang posisyon. Sa dinevelop kong personal finance life stages framework, ang mga nasa ganitong uri ng score ay nasa ikalawang level lang ng financial independence stage.
Sa stage na ito, nabubuhay ka lang mula sa iyong buwanang sahod. Kung patuloy kang nagiging magastos rito, hindi ka na makaaalis sa average financial level stage.
Pinaka-sanhi nito ay ang pagkalulong sa konsumerismo. Kung mananaig rito ang mga gustong bilhin, masisira ang pagkakaroon ng isang masaganang kinabukasan. Para makaalpas sa stage na ito, susi ang prioritisasyon ng mga kailangan, at ipagpaliban ang mga gastos lamang.
May iba’t iba namang senaryo sa mga taong nakatanggap ng score na 5 pababa. Karamihan sa kanila ay pare-parehong may hindi maayos na personal finance practices. Sa mga nakakuha ng score na 4 hanggang 5 puntos, nasa panganib na ang kanilang kinabukasang pampinansya habang ang mga nakakuha naman ng score na 0 hanggang 3 ay sira talaga ang pinansya.