Hindi lahat ay nabibiyayaan ng suwerte na magkaroon ng negosyong tatagal ng higit pa sa sampung taon. Katunayan, maraming statistics ang nagsasabing isa lang sa bawat sampung negosyo ang lalampas ng isang taon.
Mas liliit pa ang tsansang magtagumpay dahil mangilan-ngilan lang ang mga negosyong tumatagal ng limang taon. Kaya itinuturing kong isang malaking biyaya na ang una kong korporasyong itinayo ay nagdiriwang kaniyang ika-13 taong anibersaryo.
Training, Research and Consulting Services
Ang SEDPI o Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI) ay itinatag ko noong July 30, 2004. Nagbibigay ito ng training, research and consulting services sa larangan ng microfinance, social entrepreneurship at financial literacy.
Pangunahin naming kliyente ang mga rural banks, cooperatives at Microfinance NGOs na nagbibigay ng financial services sa ma mahihirap. Bukod dito, nagiging kliyente din namin ang mga government agencies at international development organizations.
Worldwide Reach
Hindi lang sa Pilipinas napapaabot ang serbisyo ng SEDPI. Mula nang maitatag ito, nakapagbigay na kami ng training, research and consulting services sa 30 bansa sa buong mundo – Austria, Belgium, Benin, Burikna Faso, Denmark, Germany, France, Hong Kong, India, Indonesia, Israel, Italy, Japan, Luxembourg, Macau, Netherlands, Nigeria, Norway, Qatar, Singapore, Spain, Sri Lanka, Switzerland, Thailand, United Arab Emirates, United Kingdom, United States of America, Vietnam at Pilipinas.
Financing Company
Nagbigay din kami ng wholesale loans sa mga microfinance institutions noong nagsisimula pa lamang ang SEDPI. Nagumpisa kami sa kapital na PhP45,000 at noong December 2016, lumago ito sa PhP339 million.
Nakatulong ang SEDPI sa humigit kumulang 600,000 na mga microenterprises sa buong Pilipinas dahil dito.
Rental Properties
Bukod dito, may mga paupahan ding naitayo ang SEDPI – residential, commercial at billboard. Noong 2008, may tatlong units na paupahan. Dumami ito sa sampung units last year. Binabalak naming paramihin upang magkaroon kami ng 38 na units na paupahan sa susunod na taon.
Media
Pinasok din namin ang media publishing at online show production dahil sa financial literacy service namin. Nakita namin ang napakalaking pangangailangan sa financial literacy na tutugon sa pangangailangan ng mga Filipino.
Sa loob ng isang taon, umabot sa halos 2.5 milyon ang viewers ng online show namin at nakapagbenta ng 10,000 libro.
Social entrepreneurship
Hindi karaniwang korporasyon ang SEDPI dahil hindi lamang kita (commercial mission) ang aming pangunahing adhikain. Kasabay nito ay ang pagtulong sa mga mahihirap (social mission). Ginagamit namin ang malaking bahagi ng aming kita sa pagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap.
Awards
Hindi naging madali ang nakalipas na 13 taon. Isang malaking karangalan ang magkaroon ng hanapbuhay na kumikita na at nakaktulong pa sa kapwa.
Dahil sa aming gawain, nabigyan kami ng iba’t ibang parangal sa mga iba’t-ibang organisasyon tulad ng Ernst and Young, PriceWaterhouse Coopers at National Confederation of Cooperatives.
Nawa ay sa ga susunod pang mga taon ay mas maipagibayo namin ang aming serbisyo. Sana ay samahan niyo at tangkilikin niyo ang aming serbisyo.
sir vince paano papasok sa SEPDI nyo?
Congratulations & God bless you more!