was successfully added to your cart.

Cart

How to Save and Avoid Bad Debt

“Si Jocelle at tsaka si Ron ay mga guro dito sa Carlos Botong Francisco Memorial High School. Okay… dito ba kayo nagkakilala?”

“Opo.”

“Oh wow! Yun pala yung inyong love story ‘no.”

“When I was conducting the training with you ‘no… with everyone, ang natuwa ako sa nakita ko sa inyo kanina ay sinabi ninyo na wala kayong utang.”

“Uhm uhm.”

“Wala po.”

“At nakakatuwa ito dahil sa mga guro, ‘di ba, ang perception ng mga tao sa mga guro ay mga…”

“Baon sa loan…”

“Mga baon sa utang!”

“Ilang taon taon ka na bang nagtuturo?”

“Ah… pang-apat na taon ko na po ito.”

“Okay… ikaw naman?”

“Nine.”

“Nine years… okay. And in all of those years, hindi talaga kayo nagkautang?”

“Ako, hindi talaga ako nagkautang.”

“Ako, nagkaroon. Naranasan kong magloan. Doon ko nakita na mahirap pala kapag ang isang teacher ay may loan kasi dun sa loan na yun, nakikita ko yung payslip ko, naisip ko na mas marami pa pala akong mabibili dun sa kinakaltas sa akin kaysa dun sa ni-loan ko.”

“Bakit kayo adverse sa utang?”

“Kasi ako yung tipo ng tao na mas gusto ko pag may gusto akong bilhin, gusto ko pinag-iipunan ko. Ayoko ng tubo kasi sayang. Nanghihinayang ako sa tubo eh kaya ang gusto ko, pag may ipon ako, saka ko bibilhin.”

“Okay. Sa mga pagkakaalam niyo ba, ano ba yung mga pinagkakautangan ng mga kasamahan niyong guro dito?”

“Usually, kaya sila nagloloan kasi kailangan nila ng pangtuition, emergency loan…”

“Ano yung mga emergency loans? Bakit sila kukuha ng emergency loans?”

“Mostly, kapag, halaimbawa, nagkaroon ng…”

“Sakit…”

“Ng sakit o kaya minsan nagkaroon ng, halimbawa,yung may bagyo, kukuha sila ng emergency.”

“Okay.”

“Kahit naman hindi masyadong naapektuhan, basta may available, gina-grab. Tapos, meron pang housing saka yung iba naman, yung policy loan.”

“Sa inyo, ano yuung pina-practice ninyo sa, kayo bilang mag-asawa ‘no, sa tingin niyo good practices para sa paghahawak ng pera?”

“Para sa akin, nagsasave kami talaga ng money.”

“Okay.”

“For example, may nakuha kaming 14th month, hindi kami bibili ng bagong celfone. Automatic, hon, deposit sa bangko yan.”

“Wow!”

“Oo, ganon para in case of emergency, ayoko nung sasabihin ng mga tao na parehas kayong teacher, nangungutang kayo. Wala ba kayong naitatabi? So, ganun yung ginagawa naming mag-asawa, ipon lang ng ipon. Kapag naka-ipon, saka bibili. Ayaw namin ng utang talaga.”

“Paano kayo nagsasave? Ano yung usapan niyo?”

“Ano po, kung magkano yung amount niya, yun din yung amount ko. Parehas lang.”

“Aahh… so equal?”

“Oo, pantay lang lagi.”

“Tapos, papano kayo nagbubudget? Ano yung usapan ninyo?”

“Sa kuryente, tubig, sagot ko na yun. Tapos pagkain, kapag nasa amin siya, sagot ko na rin yun then yung gatas ng anak namin, siya bumibili nun.”

“Okay…”

“Yung sa Pampers at iba pang ano, akin naman yun.”

“Okay. So, meron kayong savings pot together tapos yung kanya-kanya niyong pera, sa inyo pa rin?”

“Oo, kanya-kanya pa rin kami.”

“Kanya-kanya pa rin kayo. And then, ang ginagawa niyo langay ina-identify niyo ano yung mga gastos, o ikaw, sayo ‘to… ikaw, sayo yan.”

“Toka-toka.”

“Toka-toka siya… okay. Kumusta naman ang samahan niyo? Hindi ba magulo yun?”

“Sa ngayon, hindi pa naman… hindi naman po… hindi pa naman po…”

“Ilang taon na ba kayong kasal?”

“Two years and six months.”

“Kung meron kayong advice na ibibigay sa mga katulad niyong guro na mag-asawa ‘no… ano yung maipapayo niyo sa kanila?”

“Siguro ako, yung maipapayo ko is lagi kayong magtatabi kasi sabi nga nila, hindi lahat laging masagana. May panahon na bagyo. And then, pag may gusto kayong bilhin, pag-ipunan niyo. Marunong ding magtipid. Huwag din masyadong magastos… yung lifestyle na hindi naman… ano… hindi naman abot dun sa kinikita.”

 

 

 

 

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: