Ang Pag-IBIG ay ang national savings and affordable housing program ng gobyerno. Ibinibigay ito sa mga Filipino citizens para tayo ay makapag-impok para sa ating retirement at para tayo rin ay magka-access ng loans at magkabahay. (Look: Guide to Pag-IBIG)
Naitatag ang Pag-IBIG upang mabigyan ang lahat ng Pilipinong naghahanap-buhay ng isang mahusay at tax-exempt na programang pang-ipon habang tinutugunan ang kanilang pangangailangan sa pabahay. Dahil dito, ang pagmimiyembro sa Pag-IBIG Fund ay itinakda ng Republic Act No. 9679 na mandatory para sa lahat ng may buwanang kita na isang libong piso (PhP1,000) pataas at may edad na di lalagpas sa 60.
Ayon sa Pag-IBIG Circular Number 396 na inilabas noong January 9, 2018 ang housing loan ay maaring gamitin sa mga sumusunod: pambili ng lupa; pambili ng bahay at lupa; pampatayo ng bahay at pagsasaayos ng bahay.
Up to 1,000 square meters
Maaring gamitin ang loan pambili ng residential lot o lupang tatayuan ng bahay na hindi lalagpas sa 1,000 square meters. Maaaring ang iisang lote o magkakatabing lote ang bibilhin.
House and lot, townhouse o condo
Ang loan proceeds ay maaari ding gamitin pambili ng residential house and lot (bahay at lupa), townhouse o condominium kasama ang parking slot nito. Puwede ring adjoining properties o magkakatabi ang mga ito.
Hindi kinakailangang bago ang bibilhing bahay at lupa, townhouse o condomium. Kahit luma ay puwedeng gamitin ang housing loan para mabayaran ito.
Kung ang property ay naka-prenda (mortgage) na sa Pag-IBIG, maaari din itong bilhin. Halimbawa ang may-ari ng bahay ay may utang pa sa Pag-IBIG at nais niya itong ipagbili, ang bibili ay maaaring kumuha ng loan sa Pag-IBIG para bayaran ang nagbebenta.
Kapag ang proeprty ay bibilhin sa isang subdivision project, kinakailangang nakapasa ito sa lahat ng required facilities alinsunod sa PD 957 at BP 220.
Para sa construction
Puwede ring sa construction gamitin ang loan proceeds na makukua sa housing loan. Maaari itong bagong construction o kaya naman ay pagpapatuloy ng nabinbing construction.
Home improvement
Maaari ding gamitin ang loan proceeds sa home improvement. Maaaring ang home improvement ay gawin sa bahay ng borrower o kaya naman ay kamag-anak ng borrower sa pamamagitan ng accommodation mortgage.
Puwede ring ang property ay secured na ng contract to sell (CTS) o kaya naman ay deed of conditional sale (DCS) sa pagitan ng Pag-IBIG at ng buyer.
Ang ibig sabihin ng home improvement ay kung may ipapalagay o ipapabago ang borrower sa existing residential unit na magiging permanente at mahalagang bahagi nito na makakapagpatibay at makakadagdag sa halaga ng property.
Accommodation mortgage
Maaaring ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng ipinapatayong bahay under construction ay lupang nakapangalan sa nangungutang o principal mortgagor; at puwede ring sa kamag-anak nito.
Accommodation mortgage ang tawag kapag ang titulo ng lupa ay nakapangalan sa kamag-anak at hindi sa nangungutang.
Hanggang second civil degree of consanguinity at first civil degree of affinity ang maaaring maging accommodation mortgagor ng principal mortgagor. Ang accommodation mortgagor at principal mortgagor ay pipirma sa real estate morgtage (REM) bilang co-mortgagors para ma-cover ang kabuuan ang loan.
Refinancing
Ang refinancing ay ang kapag binabago ang interest rate, loan term at payment schedule ng kasalukuyang loan agreement. Maaaring gamitin ang loan proceeds ng Pag-IBIG housing loan.
Kinakailangang regular ang payment ng borrower sa housing loan at wala itong past due na lumagpas ng 30 araw sa huling anim na buwang pagbabayad nito.
Transfer of title
Maaari ding isama ang gastos sa pagpapalipat ng pangalan sa titulo ang uutanging halaga.
Guide in buying a house
Ano pa man ang magiging applicable sa iyo sa gamit ng loan proceeds, laging balikan ang aking 3-20-20-20 housing rule. Ang loan amount mo ay hindi dapat lalagpas sa tatlong taong kita; maximum of 20 years to pay; mag-ipon ng 20% equivalent down payment ng proprty value; at ang loan amortization ay dapat hindi lalagpas sa 20% ng buwanang kita. (Watch: Guide in buying a house)