Responsibilidad ng anak sa magulang pagka-graduate sa college
Technically, hindi mo responsibilidad ang mga magulang mo
Kung masigla pa ang mga magulang at may pinagkakakitaan naman sila, hindi mo sila responsibilidad. Nagiging responsibilidad mo sila kapag sila ay hindi na kayang mabuhay ng sila lang.
So kung masigla pa sila, gamitin itong oportunidad para kumita at magsubi ng paghahanda sakailng dumating ang panahon na mangailangan sila sa iyo.
Kung naghirap ang pamilya para sa pag-aaral mo, responsibilidad mong bayaran ang pinampa-aral nila sa iyo. Ito ay bilang kapalit sa pondo na dapat gagamitin nila para sa kanilang retirement.
Sundin ang aking budgeting rule, 20% of income lang dapat ilalaan para sa mga loan payments. Kasama na diyan ang nabanggit kong pagbabayad sa magulang sa iyong pag-aaral kung hikahos.
Tumayo sa sariling paa
Ang pinaka-responsibilidad mo talaga ay kayaning tumayo sa sariling paa nang hindi na nang-aabala pa sa iyong mga magulang. Tandaan na kailagan mong proteksuynan ang sarili mo dahil mahaba pa ang iyong hinaharap.