Present Value (PV) versus Future Value (FV)
Inflation rate
Ang inflation ay ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang average inflation rate ng Pilipinas nitong nakaraang dekada ay nasa 5% kada buwan. Gamitin natin ito para i-kumpara ang dalawang halaga o values.
Magkano ang present value ng PhP1 milyon tatlong taon mula ngayon kung ang inflation rate ay 5% kada taon. Para makuha ang present value, ilagay natin sa timeline ang dalawang halaga.
Illustration 1:
Gaya ng nabanggit ko kanina, kailangang paghambingin ang dalawang halaga ng pera sa parehong panahon. Kaya kinakailangan nating makuha ang present value ng PhP1 milyon tatlong taon mula ngayon.
Kung ang inflation rate ay 5% per annum, sa Year 2, ang halaga ng ating PhP 1,000,000 ay PhP952,381. Nakuha ito gamit ang formula present value formula.
Illustration 2:
Ang “i” sa formula ay ang rate na gagamitin natin. Sa ating halimbawa, ito ay ang inflation rate na 5%. Ang “n” naman ay ang bilang ng period, sa ating halimbawa, ito ay isang taon (mula Year 3 papuntang Year 2).
I-plug in natin ang FV na 1,000,000 kasama ng mga impormasyon sa itaas at makukuha natin ang PhP952,381.
Illustration 3:
Ibig sabihin nito ang PhP1,000,000 sa Year 3 ay nagkakahalaga na lamang ng PhP952,381 sa Year 2.
Uulitin natin ang formula at magdadagdag tayo ng isang taon para naman makuha ang halaga ng isang milyon sa Year 1.
Illustration 4:
Sa puntong ito maari na nating ikumpara ang dalawang halaga dahil pareho na ang panahon nila. Makikitang mas bentahe kung tatanggapin ang PhP1 milyon ngayon kaysa magantay pa ng tatlong taon dahil mas maliit ang halaga ng isang milyon tatlong taon mula ngayon. Ito ay nagkakahalaga lamang ng PhP863,838 ngayon.