Education plan, memorial plan at pension plan, ang mga financial products na ito ay kadalasang napagkakamalang insurance. Hindi ito insurance products. Ang tawag sa mga ito ay pre-need plans. (Read: Magandang investment ba ang memorial plan?)
Malaki ang kaibahan ng insurance sa pre-need plan.
Ang insurance ay nagbibigay ng proteksyon sa mga panganib o emergencies—insurable event—tulad ng pagkakasakit, aksidente, sakuna, kalamidad at pagkamatay. Ang pre-need naman ay financial product para paghandaan ang mga bagay-bagay o plano sa buhay.
Parehong ang Insurance Commission ang may regulatory powers o nagbabantay sa mga kumpanyang nagbibigay ng insurance at preneed products. Kadalsan kasing may insurance at preneed products ang insurance companies kaya napagkakamalang insurance din ang mga pre-need plans.
Pre-determined period versus uncertain time
Ang isang malaking pinagkaiba ng pre-need sa insurance ay ang panahon. Sa insurance ang insurable event ay hindi natin alam kung kailan mangyayari. Sa pre-need, pre-determined ang period kung kailan ibibigay ang garantisadong kita o benefit.
Samakatuwid, alam natin kung kailan makukuha ang benefit sa preneed at hindi naman natin alam kung kailan natin ito makukuha sa insurance. Ito ay dahil hindi natin alam kung kailan mangyayari ang insurable event samantalang sa preneed ito ay napagpa-planuhan.
Halimbawa, hindi mo alam kung kailan ka mamamatay (insurable event) pero alam mo kung kailan magko-kolehiyo ang anak mo. Ganoon din sa pagkakasakit kumpara sa kung kailan magsisimula mag-pension.
Sa preneed maari mong mapili kung kailan mo gustong makuha ang benepisyo o returns.
Fixed benefit
Sa insurance, kung mangyari ang insurable event, alam kung magkano ang matatanggap na benepisyo. Sa maraming preneed, nakasalalay ang kung magkano ang matatanggap kung magkano ang halaga ng plano sa presyo nito sa hinaharap.
Halimbawa sa educational plan ng 8 years old mong anak, ang pangako ay babayaran ang tuition ng iyong anak kapag siya ay tumuntong ng kolehiyo paglipas ng sampung taon. Kapag 18 na ang anak mo, hindi natin talaga alam kung magkano na ang tuition sa mga panahong iyon.
Dahil sa mga pangakong ganito mabilis nabenta ang mga preneed plans. Pero ito rin ang dahilan ng kanilang pagsasara dahil ang katotohanan, mas mabilis ang pagtaas ng bilihin, tulad ng edukasyon, kaysa sa kita sa investment ng mga preneed companies.
Kaya ngayon, marami sa mga preneed products ay nangangako na lang ng fixed returns upang maiwasan ang mga pangakong hindi kayang matustusan sa hinaharap.
Learn to invest
Kung titingnan, sa aking opinion, sa panahon ngayon mas maiging ikaw na lang mismo ang mag-invest kaysa kumuha ng preneed dahil mas malaki ang kikitai sa kung ikaw mismo ang mag-invest kaysa ipaubaya ito sa mababang kita ng preneed plans.
Ang sikreto ay turuan ang sariling mag-invest para mapalago ang pera para sa mga pinagpa-planihan mo tulad ng retirement at pagpapaaral sa mga anak. (Read: Paano pumili ng tamang investment)
Meron po ako 2 VUL plan pareho 5 years to pay., yun 1 2yrs ko na nababayaran at yun 1 4yrs na., medyo gipit ako sa money ngayon gusto ko sana i withdraw yun 1 na VUL na 2yrs na bayad at may acct value na., ok lng po b ang plano ko kse gagamitin ko pambayad dun sa isang VUL na last payment this year?
Hindi ko po talaga gusto ang VUL as a financial product in general.
Thnk you sir vince..dami kuna ntutunan’.application nlng..😄😄
Salamat din po.