was successfully added to your cart.

Cart

Praktikal bang magpatayo ng bahay kung ako ay OFW?

Depende sa pamilya mo at kung gaano mo pa katagal balak maging OFW. 

Ito ay madalas na tinatanong sa akin kapag ako ay nasa abroad. Naglipana kasi ang mga nagbebenta ng real estate properties abroad dahil alam ng mga real estate companies na malaki ang disposable income ng mga OFWs. 

Dahil malaking halaga ang involved sa pagbili ng bahay – condominium man ito o house and lot – huwag maging padalos-dalos. Tingnan ang iyong financial plan at gamitin itong basis sa iyong desisyon. 

Nagre-renta ang naiwang pamilya sa Pilipinas. 

Ang pagkakaroon ng bahay ay isa sa top three financial dreams ng mga OFWs ayon sa aming pananaliksik. Sa katunayan, isa ito sa mga dahilan kung bakit tayo naga-abroad. 

Maiging bumili o magpatayo na ng bahay kung ang naiwang pamilya sa Pilipinas ay nagrerenta. Sundin ang mga panuntunan ko sa pagbili ng bahay.

“Guide in buying a house”

“Ang 3-20-20-20 housing loan rule”

I-target na ang rental expense na ginagastos ngayon ay mas mataas kaysa sa magiging loan amortization kung kukuha ng housing loan. 

Immediate family or extended family?

Alamin kung kanino ang balak na ipapatayong bahay. Kung ito ay para sa immediate family, magandang desisyon ang bumili o magpatayo na ng bahay. 

Ang immediate family mo ay ang asawa o partner mo at mga anak ninyo. Ang mga magulang, kapatid at iba pang mga kamag-anak, para sa akin ay extended family na. 

Kung para sa extended family, magisip-isip nang mabuti. Siguraduhing ang pagbili ng bahay para sa kanila ay hindi sasagabal o hahadlang sa mga financial goals mo. 

 

vincerapisura.com


4 Comments

  • Venie Parks says:

    Hey Vince. Can I ask you here about legal rights to own a property such as house and lot, or vacant lot if I will be a naturalized citizen of another country and not take a dual (with Filipino) citizenship.

    • Vincent Rapisura says:

      Not a lawyer. But, I’m guessing if purchased before naturalization, you still own it. But you can’t own land until you reacquire your Ph citizenship. Better ask a lawyer.

  • Hi Vince. I’m financially ready to invest for a house and lot. My budget is around 5-6M and payable in 10 years. Which bank in the Philippines gives you the lowest interest for housing loan? Is it better to get a housing loan from PAGIBIG or the bank? I have a PAGIBIG and paying Php2K per month for two years. Kindly advise.

    • Vincent Rapisura says:

      Here’s the list of interest rate that I have. In my observation, if loan is for more than five years, better get it from Pag-IBIG. Hope this helps.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: