was successfully added to your cart.

Cart

Pinaka-obvious na sign na commission ang habol ng agent mo sa iyo

Budget mo agad ang tinatanong.

Binabase niya ang quote na i-ooffer niya sa iyo sa budget na ibibigay mo. Sa ganitong paraan madedepensahan niya agad na swak sa budget mo ang offer niya.

Pero sa totoo lang, porsyento ng kaniyang makukomisyon ang kaniyang motibo.

Based on protection needs

Ang insurance ay dapat nakabase sa pangangailangan mo. Sa akin, lahat tayo dapat ay may health insurance. Kung may dependents, kailangan ng life insurance. Kung may ari-arian, e di property insurance.

Insurance not an investment

 Ang insurance ay hindi investment. Kung may kahalong investment ang nakuha mong insurance, this is not a very good deal.

Gawin ang BTID o buy term, invest the difference.

How to choose an agent

Kapakanan mo dapat ang inuuna ng agent. Gumagamit din dapat siya ng mga financial tools na labas sa bigay ng kumpaniya niya.

Siya mismo gumagawa ng BTID at may professional na pakikitungo sa iyo.

Umiwas sa emotional attachment

Para sa akin umuwas na gawing agent ang mga kaibigan o kamag-anak para hindi mahaluhan ng emosyon tulad ng hiya o awa sa desisyon mo.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: