Ang pera progress mastery ay isang framework na ginawa ko para maging batayan sa maayos na personal finance practice. Nagsisimula ito sa self-mastery, situation mastery, at ang panghuli ay pera mastery.
Self Mastery
Maraming nagtatanong sa akin kung ano daw ang magandang investment na paglalagakan ng pera. Kadalasan ay nahihirapan akong sagutin ito dahil ang hindi naiintindihan ng marami ay nagsisimula sa investment purpose o layunin ang pagi-invest.
Kung hindi ko alam ang investment purpose, napakahirap magsabi kung ano ang nararapat na investment para na makapagbibigay ng pinakamagandang benebisyo.
Ang self-mastery ay ang pagkilala at pagtanggap sa sarili para magkaroon ng maayos na gabay sa life decisions and money management. Makaktulong ang self mastery sa paggawa ng investment purpose dahil kung kilala at tanggap mo ang sarili mo, alam mo kung ano ang mga pangangailangan (needs) at gusto (wants) mo.
Situation Mastery
Ang situation mastery naman ay tumutukoy kung gaano ka kahanda sa mga emergencies o mga di inaasahang bagay.
Pagsasabuhay ng self-mastery ang situation mastery. Kapag matatag ang self-mastery ng isang tao, hindi siya madaling matinag sa kaniyang plano sa buhay.
Halimbawa, may gustong umutang sa iyo pero wala ka pang emergency savings at sapat na insurance coverage. Samakatuwid, hindi ka pa financially stable. Kapag mataas ang iyong situation mastery, hindi ka magpapautang at hindi ka madadaan sa drama.
Pera Mastery
Ang pera mastery ay ang pagkakaroon ng iba’t-bang source of income – maari itong galing sa trabaho (employment), negosyo, at investment.
Maraming tao ay gustong tumalon agad sa pera mastery pero kulang na kulang pa sila sa self mastery at situation mastery. Sa ganitong sitwasyon, madalas mali ang nabibili o napipiling investment product. Napapangunahan kasi ng layuning kumita ang investment purpose.
thank u sir vince.. naranasan q dn ang mag negosyo.. nag jump agad aq da pera mastery kay aun nalugi dahil sa kagustuhan agad na kumita.. btw thank u sir for ur enlightenment pra maging financially stable.. may natutunan po aq..
Thank u sir Vincent,
Thank you sa mga idea mo sir.
Thank you for ur sharing ur knowledge.
Salamat din po.
Ikaw ay young full of wisdom iho.
Salamat po LolaBeki. This means a lot coming from you. =)
Thanks sir Vince ang galing nang mga idea mo .
Salamat po.