Papaano mapapalago ang ipon
Halimbawa mag-iipon tayo ng PhP100,000 sa loob ng 10 taon na may interest rate na 5% bawat taon compounded annually. Kikita ito ng:
Makikita sa halimbawa sa taas na sa loob ng 10 taon, higit pa sa pag-doble ang naging investment dahil sa kakayahan ng compounding interest. Kung nahihirapan kang maintidihan ang equation sa itaas, baka sakaling maipaliwanag sa iyo ng table sa baba ang konsepto ng compound interest.
Table 1. Compound Interest illustration
Gaya nang mapapansin, bumibilis ang pagtaas ng kita ng interest kapag hindi ito ginagalaw. Sa loob ng 10 pang taon, muling tataas ang investment sa PhP672,750.
Sa puntong ito, maaaring piliin ng investor na kunin na ang interest mula sa kanyang investment at i-enjoy ito nang hindi nababawasan ang prinsipal. Ito na ngayon ang tanyag na “the goose that lays the golden eggs.”
Humanap ng ligtas at legal na investment
Ang susi dito ay ang makahanap ng ligtas, legal at maaasahang investment vehicles na makapagbibigay ng mataas na return rate. Nais kong bigyang diin ang higit na kahalagahan ng mga salitang “ligtas” at “maasahan” bago ang mataas na return rate.
Sa totoo lang, napakahirap makatagpo ng investment vehicle na gaya nito. Pinakamalapit na ang nakuha kong corporate bond na nagbibigay ng 7% net interest rate.
Hindi ko nais magdagdag ng mga stocks o equities sa aking portfolio para lamang sa layuning mag-compound gayong hindi naman nagko-compound ang kita mula lamang sa stocks. Kailangan mo itong ilagay sa iba pang investment vehicle para mapakinabangan ang pag-compound.
Hindi rin ako mapagmatyag sa pabago-bagong presyo ng stocks. Ipinapayo kong pinakamainam na iwan sa kamay ng mga investment managers ang equities market at hindi sa ordinaryong tao na walang kamuwang muwang sa kung ano at papaano ito gumagana.
Kapag naririnig mong sinasabi ng mga taong, “Let your money work for you,” madalas ang tinutukoy nila ay ang compounding interest. Hangga’t maaga, ayusin mo ang iyong portfolio nang maani mo ang mga benepisyo ng compound interest.
Isipin mo na lamang ang kikitain mo sa hinaharap bilang higit at pangmatagalang gantimpala ng iyong disiplina at tiyaga.