Papaano mapapalago ang ipon

Magtinda

Marami ring oportunidad para sa part-time na trabaho ang ibinibigay ng business process outsourcing industry sa Pilipinas. Kung mahilig ka sa sales, puwede mo ring subukan ang pagtitinda ng mga produkto o services pandagdag kita.

Maaari kang mag-apply bilang insurance agent, real estate agent, o magtinda ng mga bagay na maaari mong isingit sa regular mong trabaho. Puwede mo ring i-explore ang pagtitinda sa mga weekend market para hindi makasagabal sa regular mong trabaho.

Subukan mo ring magtinda ng maliliit na bagay gaya ng cupcakes, airtime loads, damit o anumang maisip itinda. Ang isa pang paraan ay ang pakikisali sa negosyo ng kaibigan o kapamilya.

Makisosyo

Puwedeng sa halip na shares, i-offer mo ang part-time service mo. Maaari mo ring subukang magtayo ng negosyo nang may kasosyong magtatrabaho nang full-time, habang ikaw naman ay part-time.

Napakaraming paraan ng paghahanap ng pagkakakitaan kailangan mo lamang suungin ang hamon at maging maparaan.

Save, invest and reward yourself

Tuwing may darating akong kita sa labas ng regular kong income, ginagastos ko ang kalahati nito at inilalagay ko sa savings o investment ang kalahati. Magandang estratehiya ito dahil hindi ko lang nagagantimpalaan ang sarili sa mga karagdagang pagsisikap, nabibigyang pansin ko pa ang pagpapalaki ng aking savings at investment.

Layunin kong palakihin ang passive income ko mula sa aking savings at investments.

Kapag binubuo mo ang iyong financial plan o savings plan, mahalagang nakikita mo kung nasaan ang income streams. Pagtuunan mo ng pansin at pag-iisipang mabuti kung papaano mapalalaki ang income streams.

Mas madaling magplano o maglaan para sa mga gastusin kapag sapat ang daloy ng kita.

Mag-invest para magka-passive income

Kailangan mo ring magresearch tungkol sa investment opportunities o instruments na makalilikha ng passive income. Kung maaari, huwag mong galawin ang kita ng iyong investments para higit na tumaas ang compounding interest nito.

Ang interest ay ang halagang binabayaran sa isang investment o loan. Kinukuwenta ang compound interest mula sa suma ng orihinal na prinsipal at accrued interest. Ibig sabihin, kikita rin ng interes ang iniwan o hindi mo ginalaw na interest. Narito ang pormula para sa pagkuwenta ng compound interest: