Kapag bibili ng insurance product, kailangang nakatutugon o naayon ito sa iyong protection needs base sa pangkalahatang situwasyon ng iyong buhay; pinansiyal na hangarin; at kakayahang bumili ng policy.
Pangunahing pangangailangan sa pagtiyak ng uri ng mga insurance product na angkop sa pangangailangan mo ang pagtukoy sa mga banta ng panganib sa kabuuang situwasyon ng buhay mo. Pag-aralan natin ang mga kasamang panganib na maaaring masakop ng mga non-life insurance product.
Kung may pag-aari kang bahay, kailangan mong bumili ng property insurance para maprotektahan ang iyong asset – ang iyong bahay, mula sa sunog, lindol, bagyo, atbp. Kung may sarili kang kotse, ayon sa batas, kailangan mong bumili ng car insurance upang matugunan ang mga posibleng damages at loses sakali’t makaengkuwentro ka ng aksidente o pagnanakaw. Kung may sarili kang negosyo, maaari kang bumili ng insurance para maprotektahan ang iyong mga asset.
Sa pagpili ng life insurance products, kailangang may malinaw kang pag-unawa sa iyong financial goals. Kung may mga dependent ka, mahalagang mayroon kang life insurance protection na tatayong pamalit ng income mo sakali’t may hindi magandang mangyari sa iyo.
Nagbibigay ng tatlong benepisyo ang life insurance. Pangunahin rito ang proteksiyon ng pamilya.
Ang savings at retirement income naman ang maaaring mga sekondaryang benepisyo nito. May pagkiling ako sa paggamit ng insurance para sa mga pangangailangang proteksiyon hangga’t maaari.
Minumungkahi kong ihiwalay ang savings, retirement income at investment income-grenerating strategies, lalo na’t maraming mapagpilpiliang opsiyon diyan para i-explore bilang mga investment vehicles.