Ang Pag-IBIG ay ang national savings ng gobyerno. Ito ay long term in nature. Lingid sa kaalaman ng marami, nagbibigay ng mataas na kita sa savings natin at tax free pa.
—–
Sir Vince: So isa-isahin natin ‘no. Yung Pag-IBIG na savings program iyan ay kung meron kang kinikita na PhP5,000 every month, required ka to contribute to Pag-IBIG.
Atom: Mmhm.
Sir Vince: Iyan ang batas natin.
Atom: So lahat ito, across the board?
Sir Vince: Yes.
Atom: This is not voluntary.
Sir Vince: Yeah.
Atom: Mandatory ito.
Sir Vince: Mandatory siya. So PhP100 yung required na ibibigay mo. Pero kung ikaw naman ay empleyado ‘no, magbibigay ka ng contribution na 100 at tatapatan ito ng employer ng PhP100. So PhP200 in all yung contribution na makukuha. Ok.
Atom: Mmhm.
Sir Vince: So yung ating savings program sa Pag-IBIG meron tayong tinatawag na Pag-IBIG Savings 1.
Atom: Mmhm.
Sir Vince: Ok. Ito ay government guaranteed. At ito ay kumikita ng dibidendo kada taon.
Atom: Ok.
Sir Vince: Ok. At kapag ito ay kukunin na natin pagkalipas ng panahon tax free rin siya na makukuha.
Atom: Mga magkano ang, kumbaga, interest rate nito?
Sir Vince: Right. Normally naglalaro siya ng 5-6% yung Pag-IBIG Savings 1.
Atom: Hindi na masama.
Sir Vince: Hindi na masama talaga.
Atom: Kumpara sa bangko.
Sir Vince: Actually mahirap nang makakita ng ganyang kalaking interest ngayon pero medyo restrictive siya. Ok. Yung Pag-IBIG Savings 1 nakakapagbigay ng ganyang kalaking interest dahil naman hindi mo pupuwedeng i-withdraw yung savings mo after 20 years or until you reach 60 years old.
Atom: Hmm. Wait. Let me think about that. Kailangan umabot ka muna ng 60?
Sir Vince: Yeah. Or 20 years na nagko-contribute. Or you reach 60 years old.
Atom: I see. Pwede ka bang magdagdag?
Sir Vince: Wala namang nagpro-prohibit.
Atom: Walang limit
Sir Vince: Yes.
Atom: kung magkanong ang pwede mong ilagay na pera?
Sir Vince: Oo. Sa Pag-Ibig Savings 1 pwede ka ring magdagdag ng contribution mo dun wala namang limit na tinatalaga.
Atom: So kung hindi mo gagamitin yung pera mo
Sir Vince: Pwede
Atom: for twenty years
Sir Vince: Pwede
Atom: eh di 6%, not bad.
Sir Vince: Right. Pero meron pa akong sasabihin sayo mamaya na I think mas magugustuhan mo.
Atom: Ok.
Sir Vince: Ito naman yung modified Pag-IBIG Savings 2 or MP2
Atom: Ano naman yan?
Sir Vince: Ok. So ito ay kinakailangan ay meron ka munang P1 na tinatawag or Pag-IBIG Savings 1 as an active contributor. At kapag ikaw ay tinatawag na active contributor in the past 6 months ay nakapaghulog ka isang beses.
Atom: Mmhm.
Sir Vince: Ang minimum na contribution naman dito ay PhP500. At ang nakalagay sa kanyang guidelines kinakailangan ang MP2 ay parating mas mataas ang dibidendo niya kaysa sa P1 or Pag-IBIG Savings 1.
Atom: Ok.
Sir Vince: At gusto mong malaman kung magkano yung binigay nila last year?
Atom: Magkano?
Sir Vince: 8%
Atom: Wow!
Sir Vince: Ok.
Atom: 8%. Parang katumbas yan ng high performing na pooled fund diba?
Sir Vince: Yes. Oo. Parang katumbas niyan ng high performing na pooled funds. At ang bentahe pa nito, ito ay guaranteed ng gobyerno.
Atom: Wow!
Sir Vince: Right.
Atom: Meron ba itong limit kung magkano ang pwede mong ibigay?
Sir Vince: Wala.
Atom: Wala?!
Sir Vince: Wala. Oo.
Atom: Tapos ilang taon bago mo makuha ang dibidendo mo?
Sir Vince: Right. So yung sa P1 or sa Pag-IBIG Savings 1 kung 20 years yun, dito naman mas maikli ‘no. 5 years. So long term pa rin – 5 years. So you can use this actually for your long term savings plan.
Sir Vince: Ok. Pwede mo rin itong gamitin as your emergency fund kasi nakalagay sa guidelines niya ‘no na kapag sa panahon na namatay, pagkakasakit ‘no, disability, insanity at tsaka separation due to sickness, separation sa work due to sickness maaari mong mawithdraw yun kahit hindi pa dumating yung 5 years. Ok.
Atom: Hmm. Ano ang pipigil sa akin na maglagay ng maraming salapi sa ganitong klaseng instrument? Given that 8% is a really good interest rate.
Sir Vince: I think you always have to match your kung bakit ka magiinvest dito sa ano ba yung goal mo. So what will stop you? For example eh yung gagamitin mo na ilalagay na pera dun eh kakailanganin mo na in the next two years so this product is not for you. Pero sa tingin ko ha kung ikaw ay may 8 years old na anak at in 10 years magko-college na yan at gusto mo magprepare para sa college education niya, I think MP2 is a very good investment for you.
Atom: Oo nga. Oo nga. Wow. This is like a secret information. Top secret.
Sir Vince: Oo.
Sir Vince: Marami sa atin ang gustong yumaman agad dahil sa hirap ng buhay pero para sa akin, ang pinakamabilis pa rin na paraan sa pagyaman ay kung magdadahan-dahan.
Atom: Kaya maiging paghandaan ang ating hinaharap sa pamamagitan ng dagdag kaalaman sa pag-iipon, tamang pangungutang, at pag-iinvest. Ako si Atom Araullo.
Sir Vince: Ako naman si Sir Vince nagsasabing…
Sir Vince and Atom: Ang pagyaman, napag-aaralan.
tama po ba ung pagkaintindi ko
1. ung Pag Ibig 1 klngan mag stay ng 20 year and MP2 kailangan magstay ng 5 years. so In all, 25 years na naka stay sa Pagibig ung pera mo pero pwede mabawi in time of emergency?
2. if active contributor ka ng P1 for the last 6 mos and gusto mo kumuha ng MP2, pwede mo na po bang istop ung contribution mo sa P1 or kailangan mo sila hulugan pareho?
Wow.may pag ibig 1 kna may pag ibig 2 kpa (MP2) mas gusto ko ang pag ibig 2 mtaas ang dividendo.