Paanong nakakasagabal sa pagyaman ang takot
Kung hindi tutugma ang panuntunan, ipagpaliban na muna ang paggasta at ilaan ang pera para mapabuti ang iyong financial position.
Tulad ng nabanggit ko, ang 150 pesos na kape ay layaw. Para hindi tayo mauwi sa debate, ipagpalagay na nating layaw ito. Ipagpalagay na rin nating ang caffeine sa kape ay nakagigising sa umiinom nito.
Ganito rin ang epekto ng pag-inom ng instant coffee. Sabihin na nating limang piso ang instant coffee. Kung gusto ng empleyado ng BPO na uminom ng kape sa Starbucks, kailangan muna niya ng passive income na tutugon sa 145 pesos na kailangan nya – ang bahaging “layaw” sa pagkakape.
Ang limang piso ay kukunin naman nya sa kanyang active income. Ipagpalagay natin na ang empleyado ng BPO ay may investment na nagbibigay sa kanya ng 5% balik na kita bawat taon, ang kabuuang portfolio na kailangan ay P2, 900. Kung gusto ng empleyadong ito na uminom ng kape sa Starbucks sa bawat lingo, kailangan nating i-multiply ang portfoliong kailangan nya ng 52 linggo.
Mangangailangan tayo ng P150,800. Sa madaling salita, kakayanin lamang niyang uminom ng kape sa Starbucks bawat lingo kung mayroon siyang investment portfolio na nagkakahalaga ng P150,800, at may 5% balik na kita bawat taon bukod pa sa perang kakailanganin niya para sa emergency savings fund at insurance coverage.
Kung wala siyang ganitong kalaking pera, sa aking palagay ay wala siyang kakayanang bumili ng kape sa Starbucks bawat linggo. Kung may ganito ka ring paraan ng paggasta, magsilbi sana itong warning sa ‘yo. Nabubuhay ka ng lampas sa kakayanan mong gumasta.
Isa pang halimbawa ang iPhone. Karamihan sa mga tao ay may iPhone na may service contracts. Kung hindi naman ito gamit para sa negosyo, malinaw na layaw rin ito. Muli, pakikisabay na naman ito sa pressure para mapabilang sa “it” group.
Ang service contract ay utang dahil ang halaga ng iyong iPhone ay nakapaloob na sa iyong phone plan. Paglabag ito sa pangunahing panuntunan na itinuro ko sa personal finance. Huwag bibili ng mga layaw gamit ang utang.