was successfully added to your cart.

Cart

Paanong nakakasagabal sa pagyaman ang takot

Maraming mga Filipino ang nag-iisip na hindi kanais-nais ang usapin tungkol sa pera. Hindi natin ito pinag-uusapan sa pamilya dahil madalas na nagiging dahilan ng hindi pagkakaintindihan, ng maiinit na sagutan, at argumento.

Napaka-stressful nitong pagusapan lalo na sa mga minamahal natin sa buhay. Karamihan sa mga Filipino ay ayaw pag-usapan ang pera dahil napaghahalo nila ang emosyon sa mga desisyong pampinansyal. Lahat halos ng mga financial advisers ay nagpapayo na hindi mainam gumawa ng financial decisions kung nasa napaka-emosyonal kang estado.

Kinakailangang may pagkamaykatwiran o rationality kapag tayo ay gumagawa ng mga financial decisions. Ang limang emosyon ng takot, galit, bagabag, hiya at inggit ay kontra sa kakayahan nating gumawa ng tamang desisyon. Sa bahaging ito, pagtutuunan ko ng pansin ang unang emosyon- takot.

Ang unang emosyon na nakakasagabal sa tagumpay natin sa ating personal finance success ay takot. Ang takot ay nakakabagabag na emosyong umusbong mula sa panganib, kasamaan o sakit, na totoong nangyayari o nasa isip lamang.

Mayroong tatlong uri ng takot na matatagpuan sa konteksto ng Pilipinas. Ito ay ang takot na mawalan ng nagmamahal, takot na maiwanan, at ang takot sa bagay na hindi nakasanayan.

Takot na Mawalan ng Magmamahal

Ang takot ay isang emosyon na nasa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nagdadala sa kanila ng pagkabalisa sa pera.  Marami sa kanila ay napupunta ang malaking bahagi ng sahod sa mga kamag-anak sa Pilipinas.

Wala na halos natitira sa kanila para sa pang-araw-araw nilang gastusin sa bansa kung saan sila nakatira. Ginagawa nila ito dahil sa takot- sa takot na mawalan ng magmamahal.

Natatakot silang hindi na sila mahalin ng kanilang asawa at mga anak kapag hindi sila nakapagpadala ng pera pambili ng mga bagong gadgets, sapatos at damit, o hindi nya masuportahan sa negosyo.  Karamihan sa mga miyembro ng pamilya ng mga OFWs ay dinadaan sila sa emotional blackmail para mapagbigyan sa kanilang mga hiling o hinihingi.

Nagsisimula sa lambing ang ganitong sitwasyon. Ekspresyon ang lambing kapag may hinihiling tayong pabor sa kapwa. Inaakalang pagmamahal ang nanaig kapag napagbigyan sa hinihiling o hinihingi.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: