Noong 2016 naabot ng aming financing company ang pinakamalaki nitong asset. Mula PhP263 million ay lumaki ito sa PhP339 million – 29% increase.
Ironically, ito rin ang taon kung saan nagtala kami ng pinakamababang net income sa aming kasaysayan. Halos breakeven lang kami. Hindi naman lugi pero hindi rin maganda ang kita.
Kung ano ang dahilan nito ay isusulat ko sa mga susunod na blog posts ko. Ang aming financial statements ay audited ng SGV (Ernst and Young), kaya maasahang mataas ang kaledad at accuracy ng aming financial statements.
Dahil dito, kinailangan kong sabihin ang lagay ng aking finances sa aking pamilya. Ang challenge ay kung papaano sasabihin sa kanila ang aking kalagayan. Narito ang ginawa ko.
Sabihin ang totoo
Walang substitute sa pagsasabi ng katotohanan. Say it as it is, ‘ika nga. Huwag i-sugarcoat ang totoong kalagayan sa pera upang lubos na maintinidhan ng pamilya.
Sa akin, sinabi ko ang dahilan ng mababang net income namin. May isa kaming account na hindi nakapagbayad at malaki ang naging negatibong epekto nito sa aming financial statements.
Huwag magdahilan
Marami sa mga nagkaka-problema sa pera ay naghahanap ng palusot at hindi inaako ang responsibilidad. Kailangang aminin at tanggapin sa sarili ang pagkakamali upang madali tayonng maka-move on.
Ang mas mahalaga ay kung ano ang gagawin ngayon kaysa sa ituro ang sisi kaninuman. Wala nang magagawa sa nakaraan.
Sinabi ko sa pamilya ko na labis akong nagtiwala sa isang kliyente at hindi naging masusi ang aking pagsusuri sa kanilang account.
Maging mahinahon
Paghandaan nang mabuti ang sasabihin para hindi mag-panic ang pamilya. Mas maiintindihan ang paliwanag kung mahinahon itong ikinukuwento.
Iwasan ang drama para hindi maging emosyonal ang paguusap. Ipinaliwanag ko sa kanila na diversified naman ang aking portfolio – may real estate pa ako, training, research and consulting business at publishing.
Solve the problem together
Inilahad ko sa aking pamilya ang game plan kung paano lulutasin ang problema. Ito ang solusyon para makabawi at magkaroon ulit nang maayos na financial performance ang aming kumpanya.
Hiniling ko sa kanila ang kanilang pag-unawa na may mga bagay na hindi ko muna kayang maibigay sa kanila financially. Naging madali ito sa kanila dahil intindi nila ang sitwasyon.
Challenging na ang pinagdadaanan ko at kung at kung dadagdag pa sila sa mga iisipin ko ay hindi ito makakatulong. Kung alam ng pamilya ang pinagdadaanan mo, hindi ka nila pahihirapan, bagkus ay magbibigay pa sila ng tulong.
Turn threats into opportunities.
What turned out to be a threat last year, became an opportunity. Nagsara ang opisina ng aking kliyente at ang ginawa ko ay i-takeover ang operations ng dalawa nitong branches.
Sa loob ng 15 months, napalago namin ang portfolio nito from PhP1 million to PhP22 million. May net income na ring PhP4 million. With this, I am very confident that 2017 would be the beginning of a new chapter ng aming financing company.