Ang pinakapopular na klase ng bangko sa kanayunan ay ang mga rural banks at cooperative banks. Tungkulin nilang itaguyod at palawakin ang ekonomiya sa kanayunan sa pamamagitan ng pagbibigay ng basic financial services dito.
Tumutulong ang mga rural banks at cooperative banks sa mga magsasaka sa iba’t-ibang yugto ng produksyon mula sa pagbili ng binhi hanggang sa marketing ng kanilang mga ani.
Mga pribadong individual ang nagmamay-ari at nagpapatakbo ng rural banks samantalang mga kooperatiba at pederasyon ng mg akooperatiba ang nagmamay-ari at nagpapatakbo sa mga cooperative banks.
CAMELS Rating
Ang CAMELS rating ay kinikilalang international rating system na ginagamit ng iba’t ibang central banks sa buong mundo upang sukatin ang katatagan ng mga bangko. Ito rin ang sistemang ginagamit ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ito ay isang acronym. C – Capital adequacy. A – Asset Quality. M – Management. E – Earnings. L – Liquidity. S – Sensitivity.
Highest rating: 5
Pinakamataas na rating ang 5 at ang pinakamababa naman ay 1. Kung ang CAMELS rating ng isang bangko ay 3 o higit pa, masasabing ito ay matatag.
Noong 2011 ang average CAMELS rating ng lahat ng mga bangko ayon sa BSP ay 3.3. Tumass ito sa 3.7 noong 2014.
Look for CAMELS in external audit report
Makikita ang CAMELS rating ng isang rural bank sa external audit report nito. Maaring makakuha ng kopya ng audited financial statements sa Securities and Exchange Commission.
Ito ay public document at maaring makuha kapag nagbayad ng retrieval fee.
Limit deposit to PhP500,000
Para sa akin, mahalagang tingnan kung matatag ang isang rural bank pero dahil hindi lingid sa kaalaman natin na maraming nagsasara, kung maglalagay ng deposito dito, ang payo ko ay huwag itong palagpasin sa PhP500,000.
Kapag ang deposito sa anumang klase ng bangko, kasama na ang rural bank ay hindi lalagpas sa PhP500,000, ito ay garantisado ng Philippined Deposit Insurance Corporation (PDIC). Makasisigurong maibabalik ang inilagay na deposito kung below PhP500,000 ang deposit.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management