was successfully added to your cart.

Cart

Paano matutulungan ang kamag-anak, kaibigan o katrabaho na hindi mandaya o magnakaw

By September 13, 2017 Financial behavior

Dahil tayo ay tao lamang, tayo ay natutukso. Kapag tayo nagiging marupok at bumibigay sa tukso, tayo ay nagkakasala.

Madalas ito ay may kasamang negatibong financial effects. Bukod sa pagdanas ng pagkalugi na dulot ng pandaraya at pagnanakaw, ang mas mahalagang nawala ay ang trust o tiwala.

Kapag ang tiwala ay nawala, mahirap bumuo ng maayos na relasyon sa pribado mang pamumuhay o sa negosyo. Kaya mahalaga na gumawa tayo ng mga paraan lalung lalo na ang mga preventive measures upang maisawan natin o ng ating mga kamag-anak, kaibigan o katrabaho ang magisip na mandaya o magnakaw.

Sa aking 17 years of experience sa pagta-trabaho at pagne-negosyo, may apat na katangian akong nakita sa mga mandaraya at magnanakaw. Siyempre, marami pang ibang katangian pero ang apat na ito kapag lubusang naintindihan ay masu-sulosyunan ang pandaraya at pagnanakaw.

Ito ang apat na katangian: (1) nagsisimula sila sa magandang intensiyon; (2) madali silang matukso; (3) hindi nila kayang magkubli nang matagalan; at (4) may kasabwat sila sa kanilang pandaraya at pagnanakaw.

Alamin ang mga pangangailangan

Lahat ng mga nahuli kong nagnakaw at nandaya ay may mabuting kuwento sa likod ng masamang gawain – ginamit ang pera para pampagamot sa may sakit, pampaaral sa mga anak, pamabayad sa renta, tubig kuryente at kung anu-ano pa.

Ngunit hindi ito sapat na dahilan para mandaya at magnakaw.

Kaya ang pinakambuting gawin para ito ay maiwasan ay kilalanin ang bawat isa – ang pamilya, ang mga kaibigan at katrabaho. Alamin kung anu-ano ang kanilang kalagayan at pinagdadaanan para magawan ng paraan ang suliranin na kasama ka.

Magagawa ito sa pamamagitan ng informal na pakikipagkuwentuhan.

Para sa mga negsoyante, siguraduhing ibinibigay mo ang sapat o karampatang suweldo at benepisyo sa mga empleyado upang matustusan nila ang kanilang mga pangangailangan. Sa aking obserbasyon, ang mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tama ang siyang may maraming incidence ng pandaraya at pagnanakaw.

Sa mga mata ng empleyado, kinukuha lang nila ang “nararapat” na para sa kanila. Kaya kapag malaki ang kita, share the blessings. Magbigay ng bonus. Sa ganitong paraan, hindi ka pagsasamantalahan, bagkus ay ipaglalaban at poprotektahan ka pa ng mga empleyado mo hanggang kamatayan.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: