Minsang sumakay ako sa Uber, nakipagkuwentuhan ako sa driver dahil curious ako kung kumikita ba talaga sila sa makabagong paraan ng pagpapasada ng sasakyan. Tinanong ko ang driver kung ano ang interest rate na kaniyang binabayaran sa kaniyang car loan.
Hirap si kuyang sagutin ang aking tanong at nagsabing, “Ewan ko sir, basta ang suma total na babayaran ko sa PhP750,000 na sasakyan ko ay humigit kumulang PhP1,100,000 sa loob ng limang taon.”
“Nasa PhP18,000 po kada buwan ang hulog ko kada buwan,’ dagdag niya.
Narinig ko na ang parehong paraan ng pagsagot sa tanong ng interest sa aking mga microfinance clients. Gusto kong malaman kung ang interest rate na ipinapataw namin sa kanila ay competitive.
Ang sabi sa akin, “Sa PhP5,000 po na loan sa inyo, PhP240 ang weekly payment; samantalang sa kooperatiba po ay aabot ng PhP300.”
Isa itong patunay na mababa ang financial literacy natin dahil limitado ang pang-unawa natin sa konsepto ng interest at interest rate. Kaya madami din ang nabibiktima sa usurious lending.
Kung katulad moa ng Uber driver na nakausap ko na nalilito kung paano gumagana ang interest rates, magsmulang pag-aralan ito upang malinaw sa iyo ang pagpili sa loan na papasukin. Kapag naintindihan ito, mapipili mo ang mas mura at abot-kayang loan. (Basahin: Understanding interest rates)
Kung nalilito, laging tatandaan na ang pagkukumpara ng interest ay dapat nasa parehong takdang panahon. Ganun din ang pamantayan kung magkukumpara ng installment payment – kinakailangang pareho ang installment frequency (daily, weekly, monthly, quarterly, semestral o annual) at loan term (ilang taon mo babayaran).
Sa mga umuutanng, hindi maikukumpara ang interest rate at installment payment o amortization kung hindi pareho ang loan term at installment frequency. Para naman sa nagpapautang, sana ay hindi gamitin ang kakulangan sa kaalaman ng karaniwang tao upang manamantala. (Basahin: Time Value of Money)