Paano mapapakinabangan ang inflation sa pagpapalago ng pera
Maghanap ng inflation-friendly investments
Isa sa mga epektibong paraan para labanan ang inflation ay ang pagkakaroon ng inflation-friendly investments. May ilang mga investments ang historically nalalabanan ang pagtaas ng inflation. Ito ang mga sumusunod – real estate, gold, oil, stocks at inflation-indexed bonds.
Naalala ko nung ako ay nangungupahan pa lang, parating masama ang pakiramdam ko kapag nagbabayad ng renta sa landlord. Kaya ang una kong naging goal ay ang pagtransfer sa lugar ko sa equation – from nangungupahan o tenant papuntang lanlord.
I established my first rental property when I was 26 years old.
Namalayan niyo na bang bumaba ang renta sa bahay sa Pilipinas?
So kung ikaw ay landlord, inflation works for you dahil sa pagtaas nito. Kung ikaw naman ay nangungupahan, inflation works against you.
Bukod dito, ang tumataas din ang halaga ng real estate over time. Kaya bukod sa rental income ay mayroon ding tinatawag na capital gains.
Regular rental income at capital gains ang dalawang rason kung bakit paborito ko ang real estate investing. Kung wala ka pang investment, panoorin ang “Paano magsimulang mag-invest?”
Magtayo ng inflation-friendly businesses
Sa mga negosyante naman, mabilis na malulunasan ang inflation dahil ito ay madaling naipapasa sa mga mamimili. Mag-isip ng mga businesses na madaling makagawa nito.
Ang isang halimbawa nito ay ang mga negosyong may kinalaman sa pagkain. Alam nating lahat na mabilis ang pagtaas ng presyo ng pagkain. Kung makapagtatayo ng negosyo dito, mapapakinabangan natin ang inflation.
Siyempre, mahalaga na alam mo ang pagpapatakbo ng isang negosyo upang ito ay maging epektibo. Makakatulong kung babasahin mo ang “Paano magsimula ng isang negosyo?”
Dahil mabilis ang pagtaas ng presyo ng pagkain, nag-invest ako sa organic vegetable farming para makasabay ang pakinabang ko sa pagtaas nito. Yamot din ako sa presyo ng kuryente, nag-invest ako sa solar panels at ngayon nagbebenta na ako ng kuryente sa Meralco sa pamamagitan ng net metering.
Mabilis din ang pagtaas ng presyo ng edukasyon. Kaya nagtayo ako ng training, research and consulting firm at nagsulat ng libro. Sumasabay ang mga negosyo kong ito sa pagtaas ng presyo ng bilihin.
Make inflation your friend
Ang inflation ay maaring makapagpahirap sa iyo o makapagpayaman sa iyo. Gaya ng sinabi ko kanina, depende yan kung nasaang part ka ng inflation.
If you find yourself to be still in the consumer/employee side of the equation, kung ako sa iyo, magsisimula na akong lumipat sa kabilang side – ang pagiging investor o kaya naman ay negosyante. Gawin mong kaibigan ang inflation.
Kakayanin mo ito kung tuturuan ang sarili. Ang pagyaman, napag-aaralan.