Gaya ng nabanggit ko na sa 5-15-20-60 budgeting rule, kailangan mong ilaan ang di bababa sa 5% ng iyong kita sa insurance premimuims. Kailangan mo ring regular na bayaran ang iyong insurance premium para patuloy ang epektibidad nito.
Katulad ng pagpapaalala sa kaarawan o anibersaryo, karaniwan ko nang inilalagay sa alarm ng celphone ko ang paalala sa pagbabayad ng aking insurance premiums. Basahin ang iyong insurance policy at alamin kung ano ang nakasaad dito tungkol sa paglaktaw o delay ng pagbabayad ng insurance premiums.
May mga insurance premium payment na nagbibigay ng hanggang tatlong buwan na grace period at hinahayaan ang pananatiling epektibo ng iyong policy. Ang iba naman nagbibigay ng mula anim hanggang isang taong reinstatement nang may kaukulang bayarin.
Tinatawag ding face amount ang benepisyo ng insurance policy. Sa Pilipinas, walang tax ang insurance benefits. Kapag nagkukumpara ako ng insurance products, kinakalkula ko ang kabuuang benepisyo o face amount na makukuha ko sakali’t mangyari ang insurable event.
Hinahati ko ito sa kabuuang expected premium na kailangan kong bayaran para sa insurance policy. Mas malaki ang halaga ng benepisyo sa premium ratio, mas mabuti.
Ang formula ay Face Amount ÷ Premium = Benefit to Premium Ratio.
Sinasagot ng ratio ang katanungang: “Magkano ang benepisyong makukuha ko sa bawat pisong premium na babayaran?”
Mahalagang bigyang pansin na kailangan mong magtalaga ng espesipikong timeline para sa mga bayaring premium para maikumpara mo nang mabuti ang iba’t ibang insurance products. Karaniwang pinipili ang limang taong interval.
Ipinakikita sa table sa baba ang iba’t ibang insurance products nang may kabuuang premium payments para sa isang taon, limang taon, sampung taon, dalawampung taon at limampung taon.