was successfully added to your cart.

Cart

Paano makakasigurong legit ang pag-aabroad

By May 5, 2019 News, OFW

Nag-courtesy call tayo ngayong araw kay Mr. Alejandro Padaen,  Labor Attache ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Abu Dhabi, United Arab Emirates. Siya ay isang Ilocano tulad ko at taga Abra.

Kasama ko ang iba pang mga OFW community leaders – si Cristina Calaguian, ang President ng alumni association ng Ateneo Overseas Filipinos Leadership, Innovation, Financial Literacy and Entrepreneurship program (Ateneo OF-LIFE, formerly known as Ateneo LSE); si Allen Samonte, isang HR practitioner; at si Jomar Battung at Charissa Battung, mag-asawang entrepreneur sa Dubai.

Direct hire

Napag-usapan namin ang kalagayan ng maraming Filipino sa iba’t-ibang panig ng mundo na nabibiktima ng human trafficking. Ayon sa kaniya, marami ang nahuhulog sa tinatawag na “direct hire” kung saan ang isang nagbabakasakaling Pinoy ay maghahanap ng trabaho sa UAE gamit ang tourist visa.

Bawal at mapanganib ang practice na ito. In fact, napakaraming mga Filipino ang stranded sa mga embahada natin abroad dahil sa problemang ito.

Work with an employment agency

Siguraduhing makipag-usap sa isang agent o placement agency sa Pilipinas. Huwag pumayag sa direct hire.

Bisitahin ang kanilang opisina at magtanong-tanong sa paligid nito kung gaano na katagal silang nag-oopisina sa lugar na iyon. Isa itong paraan upang malaman kung ang isang kumpaniya ay fly-by-night.

Gamitin din ang Google upang makakalap ng bagong impormasyon pati na rin ang reviews sa kanila online.

POEA accreditation

Upang masiguro na legit ang pag-aabroad, siguraduhing nasa listahan ng Philippine Overseas Employment Agency (POEA) ang ang kumukuha sa iyo. Maari itong makita sa kanilang website. Click this link.

Kung wala sa listahan, ibig sabihin hindi ito accredited at malaki ang tsansang maloko ka at malagay sa panganib.

Dapat may kontrata

Kapag papasok sa anumang trabaho, laging siguraduhing may pipirmahang kontrata bilang katibayan ng inyong kasunduan. Nakalagay dapat dito kung gaano kalaki ang sahod, mga benepisyo, tagal ng trabaho at higit sa lahat ang responsibilidad sa trabaho.

Magagamit itong matibay na katibayan sakaling magka-aberya.

Pre-Departure Orientation Seminar (PDOS)

Nakausap ko ang ilan sa mga biktima ng human trafficking at nabanggit nila sa akin na hindi sila naka-attend ng PDOS bago lumipad. Ang PDOS ay requirement para sa overseas employment. Senyales na illegal ang recruitment sa iyo kung ikaw ay hindi naka-attend nito.

Magingat sa “libre”

Nabanggit din nila sa akin na libre ang plane ticket ng mga nabiktima ng illegal recruitment kaya sila ay naenganyang makipagsapalaran abroad. Pero nang makarating na sila abroad, napakali ng kinaltas sa kanilang sahod, aabot ng hanggang 6 na buwan na sahod dahil doon din babawiin.

Huwag agad magtiwala

Ayon pa sa kanila, napakatamis daw ng mga ipinangako ng recruiter sa kanila kaya sila napapayag. Sinabing mababait ang mga magiging employer nila, magaan ang trabaho, maluwag ang bakasyon at malaki ang sahod.

Dahil sa hirap sa buhay sa Pilipinas, madali silang pumayag.

Mag-ingat 

Kailangan ng puspusang paghahanda at pag-aaral upang siguradong legit ang mapapasukang trabaho abroad. Nawa ay maging babala ito sa mga may balak mag-abroad nang hindi dumadaan sa tamang proseso.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: