Pagkatapos na matutunan ang kahalagahan ng savings and investments, nakaka-ipon na ang OFW na si MarieConne. Alamin kung anong ginawa niya.
Vince: Hi MarieConne, so, taga saan ka sa ‘tin?
MarieConne: Sa Tarlac po.
Vince: Sa Tarlac. Okay, so hello po lahat sa mga nanonood sa atin sa Tarlac
MarieConne: Hello, sa mga…
Vince: Ayan, so umattend ka ng traning ko last time ‘no?
MarieConne: Opo.
Vince: Dito sa… dito sa Macau
MarieConne: Sa Macau po.
Vince: Okay. Ano naman ‘yung natutunan mo doon sa training?
MarieConne: Aah, madami po akong natutunan especially po sa pagsi-save po ng pera
Vince: Okay.
MarieConne: So, ayun, kasi po sa abroad parang pagdating ko parang na-overwhelm po ako sa mga nakikita ko. So parang pag hawak ng pera, parang gusto kong bumili ng ganito, mga ganyan
Vince: Oo.
Vince: Ano ‘yung target na savings dapat, ‘no, or the emergency savings na natutunan natin sa training?
MarieConne: Ano po, yung target na savings po dapat six months na salary.
Vince: Okay.
Vince: So ngayon, nakailang buwan ka na?
MarieConne: Meron na po pero siguro nasa 2 ½ months na po, Sir
Vince: Oh, okay. Sige, pero kailan ka ba um-attend ng training natin?
MarieConne: Last year, February po.
Vince: Last year, February?
MarieConne: Opo
Vince: So mga a little more than a year lang ‘yun, ‘no?
MarieConne: Opo
Vince: Alam mo, MarieConne, may good news akong sasabihin sa’yo, ha?
MarieConne: Yes po.
Vince: Normally, ‘yung pag generate ng emergency savings ay naglalast ng three years, ‘no. Three years na binubuno ‘yun.
MarieConne: Opo.
Vince: Ikaw, naka two and a half months ka na; one year pa lang. So, ibig sabihin, advanced ka.
MarieConne: Wow!
Vince: So, congratulations!
MarieConne: Save!
Vince: So, ipagpatuloy mo lang.
MarieConne: Opo.
Vince: Yung pagsi-save mo para makuha mo ang emergency savings. So. Pagkatapos ng emergency savings na makuha, ano naman ‘yung plano mong gawin sa pera na masi-save mo?
MarieConne: Magsimula ng bahay po ng parents ko
Vince: Dito ka ba Macau nagsimula ng trabaho?
MarieConne: Hindi po, sa Hongkong po as a domestic worker po
Vince: In total, ilang taon ka nang nagtatrabaho?
MarieConne: Two years and… Mahigit two years na.
Vince: Mahigit two years na?
MarieConne: Opo, mahigit two years.
Vince: Eh paano sa ‘yung sa pagpapadala, ano ‘yung ginawa mo?
MarieConne: Sa pagpapadala…
Vince: May nabago ka ba doon para makaipon ka?
MarieConne: Meron din po. So kinausap ko din ‘, yung family ko na may specific na amount lang ako na pwedeng ipadala sa kanila
Vince: Okay.
MarieConne: So pagdating po ng salary ko po,aah binubukod ko na po. Ito po yung sa pang-remittance, pang-savings, pang-investment and sa expenses ko po for one month.
Vince: Wow! That’s very good, MarieConne ha. Kasi ‘yan yung tinuturo ko 5-15-20-60 budgeting rule.
MarieConne: Opo.
Vince: 5% para sa insurance,
MarieConne: Insurance
Vince: 15% sa savings, 20% sa investment, at 60% sa expenses.
MarieConne: Opo.
Vince: Sige, kung mayroon kang maa-advise sa mga katulad mo na, well, relatively nag-uumpisa pa lang.
MarieConne: Opo.
Vince: Dito ‘no sa aah pagtatrabaho abroad. So, Ano’ ng ma-aadvise mo sa kanila?
MarieConne: Ang advise ko po sa kanila, uhm, Normal lang po na pagdating ‘nyo po dito sa abroad na ma-overwhelm po kayo sa mga new environment na makikita ‘nyo dito. It’s a normal lang din po. Pero kapag once na-realize n’yo na na hindi na po tayo bumabata na panahon. May panahon din po na marerealize na natin na mag-save, mag-invest, para po mapalago ‘yung pera natin na pinaghirapan dito po sa abroad. Kasi hindi po madali ang pag-aabroad.
Vince: So ano’ng nakatulong sa’yo para marealize mo na kailangan na palang mag-save, mag-invest?
MarieConne: Aah, yung anak ko po kasi nag-start na din po mag-aral. So, pinag… may… pinaglalaanan ko na rin po s’ya ng ano.
Vince: Oo
MarieConne: …ng budget para din po sa future nya.
Vince: Okay.
MarieConne: Maaga po ako nag-umpisang…ahh… isipin na mag-inv… mag-save and mag-invest. Nag-start na po ako agad.
Vince: Oo.
MarieConne: Na mag-aral tungkol sa savings, investment at marami pa pong iba. Malaking tulong din po ‘yung… dito po sa abroad… here in…dito po sa Macau na… yung may mga community. May community po akong kinabibilangan na this group of people po na nag-gaguide po sa akin na kung ano po yung dapat kong magandang gawin.
Vince: So tatlo ‘yung nakuha ko sa’yo ha?
MarieConne: Opo.
Vince: Una, magsimula agad, ‘no.
MarieConne: Ng maaga.
Vince: Na mag-save at mag-invest
MarieConne: Opo.
Vince: At umiwas ‘no sa pagbili, sap ag gastos, sa mga gadgets, sa mga kung anu-ano.
MarieConne: Tama po, tama.
Vince: Tapos, pangalawa ay mag-aral, ‘no?
MarieConne: Opo.
Vince: At pangatlo, piliin ang mga community na makakasama na makakatulong para ikaw ay mag-save at mag-invest at hindi gumastos. Tama?
MarieConne: Tama po.
Vince: Con, maraming salamat at…
MarieConne: Thank you rin po, Sir Vince
Vince: Kung gusto mong bumati sa iyong mga magulang, mga anak
MarieConne: Ah, binabati ko po yung aking mga magulang, Ma, Eusebio and ang aking Papa pala, Eusebio and Mama, Marilou. And yung anak ko, Amira. Hi!
Vince: Okay
MarieConne: This is Mommy!
Vince: Okay, sige. So, ayan, nandito po tayo ngayon sa Macau. Ako po si Sir Vince nagasabing ang pagyaman, napag-aaralan.