was successfully added to your cart.

Cart

Paano makaahon sa pagkakautang ang mga OFWs sa Doha

Minsan umaabot sa 15% kada buwan ang interest ng utang ng mga OFWs sa Doha. Alamin kung paano nakakatulong ang mga organisasyon doon para pigilan ito.

—–

Sir Vince: Maliit na bansa sa Gitnang Silangang Asya ang Qatar. Petrolyo at natural gas ang mga pangunahing produkto nito kaya isa ito sa pinakamaunlad at pinakamayamang bansa sa buong mundo. Maraming OFWs ang nagtatrabaho dito. Tinatayang nasa 260,000 lahat. Kumpara sa Pilipinas ng kaparehong propesyon, mas malaki ng di hamak ang kinikita nila dito. 

Sir Vince: Pero sa pag-iikot-ikot ko dito, nalaman kong marami sa kanila ang baon sa utang. Mula sa mga construction workers sa mga labor camps at mga propesyonal na sumasahod nang malaki, may mga utang. At ang nakakagulat pa rito, malaki ang interes na kanilang binabayaran na minsan ay umaabot ng fifteen percent kada buwan. 

Sir Vince: Nakausap natin si Lornica, tubong Batangas na nagtatrabaho sa Doha. 

Lornica: Ako ay isang domestic worker for eight years. Yung nature kasi ng OFW lalo na kapag sa bahay nagtatrabaho, yung salary namin is pinapadala namin lahat and then yung matitira, yung konti, gagastusin namin lahat yun. So kapag merong emergency, ang gagawin namin is mangungutang and then pagkadating ng salary, utang dito utang doon kasi magbabayad ka rin ng utang.

Lornica: So, yun. paulit-ulit na lang na ganun. 

Sir Vince: Halos lahat ng nakausap ko ay nagsabing pamilya sa Pilipinas ang dahilan ng pangungutang. Ibig sabihin, hindi pa kinikita ang pera dito sa ibang bansa, ito ay naipadala na sa Pilipinas para pampa-aral sa anak; pampagamot sa minamahal sa buhay; o kaya naman ay pampagawa ng bahay. Pero dahil utang ang gamit, pasakit ang malaking interes na binabayaran.

Sir Vince: Ang sabi din ng ilan, sa luho at kalabisan ng pamilya sa Pilipinas nagamit ang perang ipinadala. May mga Filipino Organizations din naman na tumutulong para ma-solusyonan ang problema sa utang. 

Ed: Nakilala namin yung mga nagbibigay ng financial literacy noon like the OFIE-M, the Pinoy Wise and dun nakita namin yung advantage, we joined them.

Rommel: ng pangalan ng organization namin ay Overseas Filipino Investors and Entrepreneurs Movement. Ang objective namin is to uplift the financial literacy of the Overseas Filipinos here in Doha by empowering them to take charge of their finances. So, what we did is we’re bringing some expert financial gurus from the Philippines like yourself to conduct seminars.

Sir Vince: Dahil sa mga seminars na ito, unti-unting gumaganda ang kalagayan ng mga OFWs.

Ed: Kasi sa akin, ang natutunan ko is natuto akong mag-ipon and to save some of my earnings unlike before na nandun din sa credit cards, nandun din sa travel. But na-realize ko na wala palang forever.

Lornica: So, yun. Mas natuto na akong magbudget and then yun, mas natuto na ako na mag lessen ng kung anu-ano sa expenses ko and then may ipon na rin ako, savings before, wala talaga as in totally wala.

Sir Vince: May tamang gamit ang utang. Ito ay dapat ginagamit sa mga bagay na kumikita lamang pero sa kasamaang palad, hindi ito ang nakagawian ng ating mga OFWs pero gaya ng ipinakita ni Lornica na isang domestic worker at ni Ed na isa namang high ranking professional, maaaring makaahon sa pagkakabaon sa malalim na pagkakautang kung magkakaroon ng disiplina sa sarili at dadagdagan ng kasipagan sa pag-aaral. 

Sir Vince: Ako si Sir Vince, dito sa Doha, nagsasbing ang pagyaman, napag-aaralan. 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: