Mahirap ang magbunyag ng bad news. Kung hindi magiingat kung paano ito sasabihin, maari itong magdulot ng hindi pagkakaintindihan o gulo sa pamilya.
Isa sa mga mahirap ipaliwanag sa pamilya ang ang problema sa pera. Narito ang aking mga tuntunin upang makapagsabi nang maayos tungkol sa problema sa pera sa pamilya.
Maghanda
Kailangang pag-planuhang mabuti ang sasabihin sa pamilya. Kinakailangan munang munang magmuni-muni sa sarili para matukoy ang problema, ang pinagugatan nito at ang mga maaring sokusyon dito.
Mag-schedule
Sabihin ang problema sa lalong madaling panahon mara ito ay maagapan. Huwag hintaying sumabog ang financial problem bago magsalita dahil magdudulot ito ng matinding panic sa pamilya.
Iwasan ang temptasyon na ipagpaliban ang pagbabahagi ng problema sa pamilya. Habang tumatagal, lalong lumalaki ang problema at nawawalan din ng panahon upang ma-solusyunan ito.
Mag-practice
Isa sa mga paraan upang maintindihan ang iyong pinagdadaanan ay kung mailalahad mo ito nang malinaw sa iyong pamilya. Ang ginagawa ko ay isisnusulat ko an mga nais kong sabihin at pina-practice ko ito sa aking isipan.
Madalas kapag ako ay nagda-drive mag-isa sa sasakyan ay ine-ensayo ko ang aking sasabihin. Sa ganitong paraan naririnig ko ang aking sarili at nagkakaroon ako ng self confidence dahil alam kong malinaw ang aking sinasabi.
Anticipate questions
Upang mapadali ang usapan, alamin kung ano ang mga maaring itanong sa iyo ng iyong pamilya tungkol sa problema sa pera. Kadalasan ang mga tanong ay patungkol sa ugat ng iyong financial problem at anu-ano ang mga posibleng solusyon dito.
Get ready with answers
Ilahad ang mga sagot sa mga katanungan nila at humingi ng payo kung tama ang iyong pagkakaintindi sa iyong sitwasyon. Walang tatalo sa pagiging tapat at makakatotohanan sa mga isasagot sa kanila.
Ask for help when needed
Ipakita sa pamilya na ginagawa mo ang lahat sa abot ng iyong kaya upang ma-solusyunan ang financial problem. Mas tutulong sila kung makikita nilang may ginagawa ka na at nagkukusa.
Mas nagibibigay din ng tulong ang kapamilya, kaibigan o sinuman kung lubusan nailang naiitnindihan ang kalagayan at sitwasyon ng humihingi ng tulong.
Don’t delay. Based on experience, delaying will only make the situation worst. Stress will continue to build up instead on focusing to find a solution.