Paano magbukas ng UITF account
Declaration of Trust
Lahat ng UITF sa Pilipinas ay may Declaration of Trust o Plan Rules na naglalaman ng investment objectives ng UITF.
Kinakailangang basahin ang Declaration of Trust dahil nakasaad din dito ang paraan kung paano mag-invest, papaano pinapamahalaan (administer) and pinapatakbo (operate) ang pondo. Alamin ang iba pang impormasyon tungkol sa UITF sa aking article na pinamagatang “Understanding UITFs” upang madagdagan ang kaalaman bago ito pasukin.
Minimum Investment Amount
Ang pinakamababa kong nakitang kinakailangang minimum na investment amount sa UITF ay PhP1,000. Maari mo itong dagdagan ng anumang oras mong naisin.
Confirmation of Participation
Ibibili ito ng units sa UITF na may nakatalagang presyo bawat araw. Ito ay tinatawag na Net Asset Value Per Unit (NAVPU). Bibigyan ka ng kopya ng Confirmation of Participation bilang katibayan mo sa pagsali sa UITF.
Participating Trust Agreement
Karaniwang kasama ng Confirmation of Participation ang participating ang Participating Trust Agreement na naglalaman ng impormasyon at terms and conditions na namamahala sa investor at sa trustee na naka-base sa probisyon na nakalatag sa Declaration of Trust or Plan Rules ng UITF.
Redemption of UITF
Mag-fill out ng Notice of Redemption form sa branch kung saan ka bumili ng iyong UITF. I-bigay ito sa teller at ipa-process na ng telleng ang redemption ng iyong investment.
May mga bangko ring maari mong gawin ang redemption online.
Para sa listahan ng mga UITF products at kanilang performance, bumisita sa site na ito.