Paano magbukas ng UITF account
Base sa mga isinagot mo, gagamitin ito ng bangko upang ipakita sa iyo ang iba’t-ibang klase ng investment products na angkop sa iyong pangangailangan. Habang wala namang naitatakdang tamang sagot sa mga katanungan, mahalaga na makatotohanan ang pagsagot sa client suitability assessment form.
Ito ay in compliance sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Circular 593 kung saan ititnatakda ng BSP ang mga industry standards para makita kung angkop ang isang kilyente (client suitability) sa UITF at mga risk disclosures nito.
Para sa akin, mahalagang magkaroon muna ng financial plan at intindihin ang financial goals bago sumabak sa pagi-invest sa UITF. Ito kasi ang magiging guide mo sa iyong investment objectives.
Tandaan ang prinsipiyo ko: “Your investments should match your financial goals.”
Risk Disclosure Statement
Bahagi pa din ng pagsunod (compliance) ng mga bangko sa alituntunin ng BSP Circular 593 ang pagbibigay ng risk disclosure statement. Ipinapaalam ng risk disclosure agreement ang mga risks o panganib sa pagi-invest sa UITF.
Ang mga risks na ito ay interest rate risk, , market or price risk, liquidity risk, credit risk o default risk, reinvestment risk, foreign exchange risk, country risk at iba’t-iba pang klase ng risk.
Nilalayon ng pagsisiwalat (disclosure) na ito na nauunawaan mo ang likas na katangian ng UITF at ang lawak ng risks na kaakibat nito; na nabasa mo ang kabuuan ng risk discolsure statement; at malaya mong natukoy ang angkop na investment na para sa iyo sa UITF.