was successfully added to your cart.

Cart

Paano mag-avail ng benefit sa PhilHealth ang mga OFWs?

By August 10, 2017 Insurance, OFW

May dalawang sitwasyon para sa mga OFWs pra maka-avail ng benefit ng PhilHealth – kapag sila ay nasa Pilipinas at kapag sila ay nasa abroad.

Updated Contribution

Kailangan munang siguraduhing bayad ang premium o contributions a PhilHealth bago maka-avail ng benefits. Sa rules ng PhilHealth ito ay minimum ng tatlong buwang bayad na contribution sa nakalipas na anim na buwan.

Hindi pupuwedeng sa panahon na kailangan ang PhilHealth ay doon lang magbabayad. Kaya mahalaga na parating nagbabayad ng PhilHealth para siguradong mapapakinabangan natin ito sa panahon na tamaan ng pagkakasakit.

Vailidity

Kapag nag-claim ng benefit ang OFW, kinakailangang mag-avail sa panahon na covered o valid ang coverage sa PhilHealth.

Room and board allowance

May 45 na araw na palugit sa hospital room and board allowance kada taon. Dapat ay hindi pa ito nauubos kapag maga-avail ng benefit.

In the Philippines

Kapag nasa Pilipinas ang OFW, kinakailangang ang health care institution – clinic, hospital o laboratory. Ipakita ang properly filled out PhilHealth Claim Form 1 sa billing section ng accreddited health care institution bago ma-discharge.

While abroad

Kapag ang OFW ay na-confine abroad, kinakailang ipadala ang mga sumusunod na dokumento sa PhilHealth:

  • Medical abstract, medical record o medical certificate na nakasulat sa English. Dapat nakasulat dito ang final diagnosis, petsa ng confinement at ang mga naibigay na medical services
  • Kopya ng operative record na nakasulat sa English kung may ginawang operasyon
  • Statement of account
  • Official receipt na galing sa hospital and/or doctor
  • Properly filled out PhilHealth Claim Form 1.

Ipadala ang mga dokumentong ito sa loob ng 180 araw simula pagka-discharge o paglabas ng pasyenteng OFW mula sa hospital sa pamamagitan ng courier o email. Ipadala ito sa pinakamalapit na PhilHealth Regional Office o Local Health Insurance Office batay sa address ng OFW sa Pilipinas.

vincerapisura.com


4 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: