Tinanong ito sa akin ng maraming millenial kong tagasunod. Gusto lang talaga nilang magkaroon ng kita na hindi nagbabanat ng buto at wala din silang kapital.
Wala talagang option na kikita sa ganitong sitwasyon.
Marahil ang kailangang i-address dito ay ang mindset sa pagkita ng pera. Ang pera ay hindi magically created o umuusbong sa kawalan. Ito ay pinagpapaguran.
Sa aking obserbasyon, mas may pagpapahalaga sa pera ang mga tao kung pinaghirapan nila ito.
Ang ideal ay ganito. Humanap ng trabaho para kumita. Magtabi galing dito upang magkaroon ng kapital na maaring gamiting pang-invest.