Paano kumita, gumasta, mag-ipon, mangutang at mag-invest ang mga Maginhawa sa buhay
Sapat
Ang mga taong sapat naman ay matatawag na middle class. May active income sila na galing sa maaayos na trabaho o kaya naman ay negosyo, at sapat ito para tustusan ang kanilang pangangailangan at kaunting kasiyahan sa buhay.
Kumpara sa isang kahig, isang tuka at kapos, ang isang malaking kaibahan ng mga taong sapat ay ang kakayahan nilang mag-ipon. Ito ang gamit nila para sa kanilang wants o mga kasiyahan sa buhay.
Karaniwang mga empleyado na nasa supervisor o middle management position at mga sel-employed professionals ang mga taong nabibilang sa sapat na kategorya ng PIEPer. Kasama din ang mga negosyanteng may PhP1 milyong kapital at may mga empleyado hanggang 10 katao.
Nakaka-afford ding magdagdag ng insurance protection ang mga nasa kategoryang ito at may ilan na nakakapag-invest. Maayos ang kalagayan ng mga nasa sapat pero marami sa kanila ang pakiramdam ay dapat may igaganda pa ang buhay at inaasam pa nila ang mas maginhawang pamumuhay.
Ginagamit ng mga taong ito ang utang para tustusan ang kanilang mga kasiyahan sa buhay. Sila din kasi ang nabibigyan ng access para makakuha ng financial services sa mga formal financial institutions.
Halimbawa na dito ang credit cards, personal loans at salary loans sa mga private lending institutions. Ginagamit nila ang mga ito upang sila ay makapagbakasyon sa mga tourist spots sa Pilipinas at sa ibang bansa.
Palasak din ang paggamit sa utang upang makabili ng gadgets, bagong damit, appliances at kung anu-ano pa. Ito ang isa sa mga dahilan na pumipigil ang mga taong sapat na umangat sa susunod na baitang — ang mga taong maginhawa.
Maginhawa
Mga taong may kaya sa buhay ang mga nasa magihawang baitang ng PIEPer. May active income sila pero ang pinagkaiba nila sa lahat ng iba pang klase ng tao sa PIEer, malaki ang kinikita nila sa pamamagitan ng passive income.
Ibig sabihin, malaki ang kinikita nila galing sa investments na hindi na nila kailangang pagpaguran pa. Dahil dito, mabilis silang makaipon na siya ring ginagamit nilang pang-invest ulit para lalo pang lumaki ang kanilang passive income.
Nagsimulang magkaroon ng passive income ang mga maginhawa sa pamamagitan ng paggamit nila ng kanilang active income sa pag-iinvest. Kung ang ibang mga tao sa baitang ng PIEPer, ginamit ang kanilang income pantustos agad sa kanilang mga pangangailangan at kasiyahan sa buhay, ang mga nasa maginhawang baitang naman ay inilagay muna ito sa investment.
Inantay nilang kumita ang kanilang investment at ang kita lamang ng kanilang investment ang siya nilang ginagastos panustos sa kanila mga kasiyahan sa buhay. Active income naman ang gamit nila na panustos sa mga pangangailanga sa buhay.
Mataas ang proteksyong nakukuha sa insurance ng mga taong maginhawa. Marami sa kanila ang bihasa at ginagawa ang Buy Term Invest the Difference (BTID) strategy. Kaya lalo pang mabilis ang paglago ng kanilang investment.
Kaiba din ang paggamit ng mga nasa maginhawang baitang sa utang kumpara sa lahat. Sinisigurado nila na gagamitin lamang ang utang sa mga produktibong bagay o mga bagay na kumikita. Kung hindi kikita, hindi sila mangungutang. Sa halip, insurance, saving o passive income ang gagamitin nila.