Paano kumilatis ng coop para siguradong ligtas ang investment?
Noong April 3, 2017, nauna akong nagsulat tungkol sa aking mga investments sa kooperatiba, “Coop investments beat PSEI.” Marami ang namangha sa aking nagawa kaya nais kong ibahagi kung ano ang ginagawa ko para makapili ng magandang kooperatiba.
Nagsimula akong mag-invest sa kooperatiba noon pang 2004 mula sa portfolio na PhP45,000, lumaki ito sa halos PhP100 million exposure last 2017. Binanggit ko din sa nauna kong article na mapanganib ang mag-invest sa kooperatiba.
Totoo naman ito hanggang ngayon. Kaya dapat ay ibayo ang pag-iingat.
Marami kasi sa mga ito ay maliliit. Ayon sa ulat ng Cooperative Development Authority (CDA), 395 lang ang large cooperatives sa kabuuang 24,000 registered cooperatives sa Pilipinas.
Pero kahit na ganito ang sitwasyon, patuloy pa din akong nag-iinvest sa kooperatiba. Ang susi ay pumili ng kaunti pero siguradong outstanding ang financial performance na kooperatiba.
COOP PESOS
Sa pagpili ng kooperatiba, ginagamit ko ang COOP-PESOS. Ito ay naglalaman ng mga performance standards para sa mga kooperatiba sa Pilipinas.
Ang pagsunod sa mga standards na ito ay magbibigay ng kasiguruhan at proteksyon sa mga miyembro ng kooperatiba para pangalagaan nito ang kanilang pera. Kasabay na rin nito na mapangalagaan ang viability at sustainability ng business operations ng mga kooperatiba.
Masusing ginawa ito ng isang technical working group na binubuo ng mga pantas, practitioners, policy makers at networks ng kooperatiba. Ipinatupad ito sa pamumuno ng National Credit Council (NCC) at ng CDA.
Ginagamit ang COOP-PESOS bilang supervisory at regulatory tool ng gobyerno; at management tool naman para sa sariling kapakanan ng mga kooperatiba.
Ang COOP-PESOS ay isang acronym na ang ibig sabihin ay ang mga sumusunod:
Kung mapapansin, ang COOP ay mga performance indicators tungkol sa compliance at administrative functions, samantalang ang PESOS naman ay ay mga financial performance indicators. Dahil dito, mas malaki ang puntos na ibinibigay sa PESOS indicators kaysa sa COOP indicators.