“Huwag matakot mag-invest, kasi may reward siya in return.” – payo ni Roanne Patulan, isang OFW sa Macau
Basahin ang usapan nina Sir Vince and Roanne para malaman kung paano siya kumikita sa pinundar na condominium.
Roanne: I’m Roanne Patulan and I’m a Senior Draftsman at the Venetian Macao
Vince: Okay, gaano ka na katagal dito sa Macau?
Roanne: Ah, magte-ten years na.
Vince: So, kumusta naman ang buhay dito sa Macau?
Roanne: Okay naman compared sa Philippines kasi parang mas laid back naman yung work dito. Hindi katulad sa Philippines na puro ka OT and then you don’t get paid well.
Vince: Ooh, so 10 years ka nan a nagtatrabaho dito so siguro ang dami mo nang ipon, dami mo nang investment. Totoo ba ‘yun?
Roanne: Hindi rin e. Kasi, well, parang ngayon pa lang din ako nag-start, nung after ko mag LSE
Vince: Okay.
Roanne: Kasi nagbayad pa kami nung mga utang and then nagpaaral pa dun sa kapatid ko. Kasi kaya naman ako napunta dito sa Macau ispara tulungan ‘yung parents ko na makabayad dun sa…ahh… sa school naming.
Vince: Ano ba ‘yung LSE? Paki-explain nga?
Roanne: ‘Yung uhm LSE is aah Leadership and Social Entrepreneurship na tumutulong sa mga… aah uhm Filipinos or especially sa mga OFWs para uhm maopen yung mind nila kung paano talaga mag-business. At the same time makakatulong ka rin sa kapwa
Vince: Okay.
Roanne: It’s a program of Ateneo, SEDPI and OWWA.
Vince: Kailan ka nag LSE?
Roanne: Nag LSE ako nung 2014.
Vince: 2014, so that’s four years ago.
Roanne: Yeah, ako yung kasama sa first batch, LSE 23.
Vince: Oh, wow! After the LSE training, kasi ang una kong pinapa-goal diyan talaga ay magkaroon ng emergency savings which is equivalent to six months of your salary. So, meron ka na ba nun?
Roanne: I’m slowly building it kasi ‘yung mga savings ko napunta sa investment
Vince: Aah, okay. But that’s not so bad. Actually that’s the reason why you save. So, sinimot mo ba ‘yung emergency savings mo to invest?
Roanne: Ah, hindi naman.
Vince: Hindi naman, so may naiwan pa?
Roanne: Oo, meron.
Vince: Okay. And, so, can you tell us what these investments are?
Roanne: Meron akong, ah, ‘yung condo unit na napurchase ko. Tinurn-out ko sya sa Airbnb.
Vince: Okay. That’s good.
Roanne: So, ah, Three years na akong nag e-Airbnb. Nag start ako ng March 2015 and until now, nagra-run pa s’ya and ‘di pa rin ako nauubusan ng mga temporary tenants.
Vince: Oh, that’s good! Okay, so ano ‘yung Airbnb? Paki-explain ‘tong konsepto ng Airbnb.
Roanne: Airbnb is uhm social platform na tumutulong dun sa mga aah tao na hindi maka-afford ng hotel.
Vince: Okay. Paano mo pinalista yung property mo?
Roanne: Pumunta ako sa website and then magsasign-up ka lang dun and then meron doong mga instructions naman na susundan.
Vince: Okay, so condominium ‘yan, medyo may kamahalan ‘no? Binili mo ba ‘to ng cash?
Roanne: Ah, no. Binayaran ko sya ng monthly.
Vince: Okay.
Roanne: For the equity. And then after nun, nung naturn-over na sa akin ‘yung unit. Saka po ko sya nastart mapa-Airbnb.
Vince: Okay, so, inunti-unti mo ‘no na…
Roanne: Yes.
Vince: …bayaran ‘yung equity.
Roanne: Correct.
Vince: Meron bang interest ‘yung equity?
Roanne: Wala
Vince: Walang interest do’n? Tapos nung naturnover sa’yo, uhhm in-apply mob a ito ng loan sa bangko?
Roanne: Oo.
Vince: Oo. ‘Yung amortization mo sa bangko, kumpara doon sa interest income na nakukuha mo sa Airbnb, alin ang mas malaki?
Roanne: Uhmm…Mas malaki pa rin ‘yung sa amortization.
Vince: Ngayon?
Roanne: Oo
Vince: Okay. Sige, tapos, ga..malayo ba s’ya?
Roanne: Hindi naman malayo ‘yung difference.
Vince: Hindi malayo. Ilang porsyento ‘yung nakukuha ng Airbnb?
Roanne: 3% and then dun sa tenant kasi sila kumukuha ng 7%.
Vince: Ah okay, so may, 3% galling sa inyo
Roanne: Yes.
Vince: And then 7% galling sa tenant. Ilang years ‘yung loan na kinuha mo doon sa bank?
Roanne: Aah, 10 years…kasi ang balak ko maglagay ng money para mag-iipon ako ng certain amount.
Vince: Oo, oo.
Roanne: And then ipuput… ilalagay ko s’ya dun sa bank.
Vince: Okay.
Roanne: … para bumaba ang principal.
Vince: Okay, sige. If you were to give an advice ‘no to your fellow OFWs, what would you tell them… aah… para makapag-start din sila ng investment katulad ng ginawa mo?
Roanne: I think, ‘wag lang silang matakot…
Vince: Okay.
Roanne: …mag-invest at saka pag-aralan nila yung bawat step na gagawin nila kasi kung hindi nila pag-paaralan ‘yun, baka in the end malugi rin sila eh. So dapat kailangan talaga pag-aralan and ‘yun nga, na ‘wag silang matatakot mag-invest kasi may reward sya in return.
Vince: Oo. Okay, so ‘yan, mga kaibigan, narinig natin ha, sabi ni Roanne, ‘wag matakot! Mag-aral. Okay. So, maraming Salamat sa inyong panonood. Ako po si Sir Vince, nandito ako sa Macau ngayon, nagsasabing, Ang pagyaman, napag-aaralan.