was successfully added to your cart.

Cart

Paano gamitin ang (L)Earning Wealth Online Course with Sir Vince?

User guide 2 Welcome sa (L)Earning Wealth Online Course with me, Sir Vince.

User guide 3 Pagpunta sa Inyong Course

Matapos ang inyong pag-sign-up at pag-register sa inyong course na napili, maaari na kayong magsimula sa online course. I-type ang courses.vincerapisura.com para makapunta sa home page ng (L)Earning Wealth Online Course. I-check din kung kayo ay naka-log-in na bago magsimula.

User guide 4 Mag-scroll sa ibaba ng page upang makita kung saang course kayo naka-enroll. Ito ang course na “Start Course” ang nakalagay at hindi amount ng registration. I-click ang “Start Course” na link.

User guide 5 Dadalhin kayo nito sa page ng course. I-click ang “Start Course” button.

User guide 6 Pagsisimula ng Pag-aaral ng Online Course

You will now see the first page ng online course na napili mo. Ito ay sample lamang at maaring iba ang content na makita depende sa course na pinag-enrollan. Pero, pare-pareho naman ang layout nito at iyon ang mahalaga mong matutunan.

User guide 7 Sa upper left part ng online course page makikita kung gaano pa katagal ang natitirang panahon para tapusin ang online course. Ipinapakita rin nito kung ilang porsyento na ang natapos mo.

Sa ibaba naman nito, pinapakita ang mga modules at sections ng modules ng online course. Sa kanang bahagi ipinapakita ang content ng mga sections ng online course.

User guide 8 Matapos basahin o sagutan ang content, i-click ang “Mark This Unit Complete” na link sa ibaba ng page.

User guide 9 After clicking, lalabas ang link para makapunta sa next section o unit ng module. I-click ang “Next Unit” na link.

User guide 10 You will be taken to the next section o unit ng module. Maaaring bumalik sa mga nakaraang sections sa pamamagitan ng pag-click ng “Previous Unit” na link.

User guide 11 Pagsasagot ng Quizzes

May quiz sa huling bahagi ng bawat module. Para magsimula ng quiz, i-click ang “Start Quiz” link sa baba ng page.

User guide 12 May lalabas na pop-up window na nagtatanong ng confirmation para masimulan ang quiz. I-click ang “Confirm” button.

User guide 13 Lalabas ang mga quiz questions. Maaaring i-save ang progress sa quiz kung ito ay hindi ninyo matatapos. Kung kaya namang tapusin ang pagsagot, i-click ang “Submit Quiz” na link.

User guide 14 Matapos i-submit ang quiz, may lalabas na pop-up window na nag-co-confirm ng inyong submission. I-click ang “Confirm” button.

User guide 15 Magloload muli ang page at ipapakita ang inyong mga tama at maling sagot. Maaari ninyong i-retake and quiz sa pamamagitan ng pag-click ng “Retake Quiz” button. Kung hindi naman, i-click ang “Next Unit” na link para makapunta sa susunod na bahagi ng course.

User guide 16 Pagpapatuloy ng Online Course

Maaaring tumigil sa anumang bahagi ng course. Upang makabalik, pumunta lamang ulit sa page ng course kung saan kayo naka-enroll, at i-click ang “Continue Course” button.

User guide 17 Kailangang daanan ang lahat ng sections o units ng course. Hindi maaaring tumalon papunta sa ibang sections o units ng course, hangga’t hindi natatapos ang current na section o unit.

User guide 18 Pagpunta sa Dashboard at Pag-access ng Certificates

Makakatanggap kayo ng certificate kapag natapos na ang course. Makikita ito sa inyong profile. Upang makapunta sa inyong profile, i-click lamang ang inyong pangalan sa upper right corner ng page.

User guide 19 May lalabas na dropdown menu. I-click ang “Dashboard” para dalhin kayo sa inyong dashboard.

User guide 20 Pagkakkita sa inyong dashboard page, maaari ninyong i-explore ang iba’t ibang sections nito. Para pumunta sa inyong profile, i-click ang “Profile” button. Lalabas dito ang mga badges at certificates na inyong nakuha mula sa (L)Earning Wealth Online Course. I-click ang inyong certificate na nasa ilalim ng “Certifications”.

User guide 21 Matapos nito ay lalabas ang inyong certificate. Nasa kanang bahagi ng certificate ang mga options na pwede ninyong gawin sa inyong certificate. Maaari ninyo itong i-print, gawing PDF, i-download, i-share sa Facebook, o i-share sa Twitter.

User guide 22 Pagme-message kay Sir Vince

Kung kayo ay may mga concerns o katanungan habang tinatapos niyo ang online course, maaari ninyo akong i-message anumang oras. Puntahan lamang ang page ng inyong course at i-click ang button para sa message o e-mail sa ilalim ng pangalan ko.

Kapag clinick ang button ng “Send Email”, mag-oopen ang panibagong window kung saan pwede kayong mag-compose ng e-mail para sa akin.

User guide 23 Kung i-ki-click ang “Send Message” button, mapupunta kayo sa Messages tab sa inyong Dashboard at automatic na ilalagay ang pangalan ko sa address field. Maglagay ng subject at isulat ang inyong message. Tapos, ay i-click ang “Send Message” button.

User guide 24 Maaari rin kayong mag-send ng message sa iba ninyong ka-klase gamit ang option na ito. Isulat lamang ang kanilang username sa address field.

Muli, welcome to (L)Earning Wealth Online Course. (L)Earn how to take charge of your finances with me at lagi nating tatandaan, ang pagyaman ay napag-aaralan!

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: