was successfully added to your cart.

Cart

Paano mag-budget para sa kasal

Simple lang naman ang rule ko sa pagpaplano at pagba-budget sa kasal:

Dapat matuloy ang kasal.

With that, budget should not be an issue. Kesihodang mawala ang lahat ng mga celebrations at sa huwes maganap ang kasal.

So here are my tips for your wedding with a general goal in mind: “to live happily ever after.”

Engagement/wedding rings

The most meaningful ring I received was when my partner gave me a ring when we were not yet wealthy. Kahit na nagbigay na siya ng mas mamamhaling sing-sing after, the first one and cheapest he gave me is the one I wear everyday.

So it’s the commitment that counts, not the price tag of the ring.

Throw that three-month’s worth of salary as price of your engagement ring bullshit out of the window. Hindi yan totoo. Marketing strategy yan ng mga nagbebenta ng sing-sing.

If I were you, I’d use that money to start our emergency fund as a family.

Wedding dress

Ang mahalaga may suot kayo sa araw ng kasal niyo, hindi hubad. Joke lang.

Siyempre, gusto pa din natin na maganda ang suot natin during our wedding. Lalo na at kukunan tayo ng picture at magiging bahagi ito ng mahahalagang alaala natin.

But you don’t have to spend a fortune for your wedding dress. Humanap ng kakilalang designer para makamura. I-recylce ang sinuot na trahe de boda ng nanay o ng kapatid – mas may meaning pa ito kaysa magpatahi ng bago.

Humanap ng mas murang version ng gusto mong damit tulad ng pagpapalit ng tela o kaya naman ay pagpapagaya ng design.

Magastos din ang iyong entourage kung ikaw ang magdadamit sa kanila. Puwedeng as “wedding gift” nila sa iyo ang budget for this. O kaya naman ang pinaka-simple ay, sabihan sila kung ano ang iyong motiff at magsuot sila ng ganung kulay na damit (with your approval) on the wedding.

Bridal hair and makeup

Pinakatipid kung ikaw na mismo ang gumawa nito sa tulong ng iyong maid of honor at bridesmaids. Sa iyong bridal shower, ito ang isa sa mga gawin niyong activities, mock up make up sa iyong kasal.

Manood sa youtube ng mga tutorials sa make up. Alam niyo bang sa Miss Universe pageant, walang mga make up artists ang mga contestaants? Kani-kaniya silang makeup and hairstyle sa sarili nila. Pero they practice a lot.

Another way ay pag-ambag-ambagin ang mga magpap-make up during the wedding para pakyawan ang bayad sa make up artist.

Venue

Ang pinakatipid dito ay kung saan ang wedding ceremony, doon na rin ang wedding reception. Pero sa kulturang Filipino kasi ay sa simbahan ang kasal tapos iba ang venue ng reception.

Given that, humanap ng venue na abot kaya. Sa probinsiya nga namin sa bakuran ng bahay o sa barangay hall minsan ginaganap ang reception. Awa ng Diyos, di naman sila naghihiwalay bilang mag-asawa.

Tiyaking malapit ang venue ng wedding ceremony at wedding reception para tipid sa transportation costs. Maganda ring sunuran na ang event para isang kainan lang. Yung iba kasi ang kasal sa umaga tapos ang reception sa hapon, so may pam-meryenda pa sa mga guests imbes na pa-dinner na lang.

Simplehan na lang ang mga seremonyas para hindi na kailangang magkaroon pa ng rehearsal lunch or dinner.

Wedding invitations

Gumamit na lang ng online invitations para sa iyong save the date at wedding invitations. Sa totoo lang, ibinasura ko lang lahat ang mga wedding invites na natanggap ko.

Kalat lang yun sa bahay. Hindi naman ako ang kinasal. So better save the money for wedding invitation for something more important.

Giving your guests personal calls or even visits, is more meaningful. So be environment friendly, use electronic invites.

Guest list

Speaking of which, salaing mabuti ang mga iimbitahan sa kasal. Iwasang mag-imbita ng mga taong negative naman sa buhay mo.

It’s your wedding, you are allowed to invite who you want to invite.

Another way to sift through you guest list is to really determine who could provide help in planning and during the wedding; but will still enjoy it. Mga tunay na kaibigan at kapamilya – sa isip, sa gawa at sa salita.

Photography and videography

Sa dinami-dami ng mga may hobby sa photography at videography ngayon, I’m sure may kakilala ka sa kanila na puwede mong mapakiusapan. Check out their work on Facebook.

Madami nang mga templates ng mga dapat gawin sa wedding to produce high quality wedding photos and videos. So research on them and plan ahead with your team para makamura.

The key here is that you are relaxed and enjoying your wedding day para magaganda ang kuha mo suring the wedding itself. Kung stressed ka that day, kahit anong smile mo pa, pangit ang labas nito.

Flowers

Sabi ng isang nakausap ko, kailangan ba talaga na calla lillies ang mga flowers sa aisle na lalakaran mo? Katulad ng makeup, puwede rin itong gawin activity during your bridal shower, flower arrangement practice para sa bouquet mo that they will prepare.

Haggle very well with your caterer kasi usually naman nire-recycle nila ang flowers that come with their set up.

Wedding cake

Ang pinakatipid dito ay kumuha ng basic cake sa mga bake shops at palagyan na lang ng decoration. Usually ang mga cakes na ready-made na mas mura kaysa magpapa-customize pa.

Catering

Choose a simple menu.

Proud ako sa inaanak ko sa kasal, yes may mga inaanak na ako sa kasal – apat na pairs na sila, dahil ang pinili nilang theme sa wedding recption nila ay Pinoy fiesta. Nag-enjoy kami sa isaw, barbeque at kakanin as pica-pica before wedding. Tapos ang main menu ay mga kaldereta, kae-kare, lechon and the like.

Wala akong narinig na reklamo sa food. Iwas na tayo sa mga mahirap i-pronounce na dishes, usually mahal mga yun.

Yung isang staff naman namin, sa mga close friends niya nagsabi siya kung magkano ang per plate na gastos for the reception. So nagkaroon ng benchmark ang mga dumalo kung magkao ang minimum cash gift sa kaniya para man lang ma-cover ang cost na yun.

Ang mga brunch, “plated” meals at buffet ay usually mas mura kaysa sa mga “x-number” course sit down meals.

Beverage

Mas makamumura kung kayo na magdala ng mga alcoholic drinks. During our 10th year anniversary, we were fortunate enough na may kaibigan kaming may rolling bar and he gave it to us as gift.

Pero ang balita ko, mas mura pa rin na bayaran ang corkage ng mga alcoholic drinks kaysa mag-order mismo sa caterer o kaya naman ay sa venue. Kailangang linawin lang ito o kaya naman ay i-negotiate nang mabuti sa kanila.

Music

Usually ang mga venues naman ay may nakahandang maayos na sound system. Kung mapa-plano niyo nang mabuti ang program sa reception, hindi na kinakailangang kumuha ng quartet, banda o kaya ay DJ para sa music.

You can create your own playlist at ito ang gamitin during the reception.

Souvenir and giveaways

Let me ask you, saan mo nilagay ang mga wedding souvenirs and giveaways sa mga nadaluhan mong kasal?

Precisely my point.

To me, this is one thing you can immediately get out of your budget list. I mean, I love my famly and friends who got married but I don’t fancy couple figurines kissing each other with their names in my house. Kanila yun. (haha)

Ang pinaka-ok na substitute dito at patok parati ay photobooth. Don’t even bother with the printouts, i-post na lang ito sa Facebook event or page ng wedding mo and people will be able to download it on their phones.

Honeymoon

Sa ibang mag-asawa, tulad ko, mas gugustuhin kong lagyan ng budget ang honeymoon kaysa sa wedding ceremony and reception. Kami naman ang (nangakong) magsasama habang buhay, so might as well create momorable romantic getaways kaysa sa mga “kurkurantong” na wedding things.

But then again, that’s just my preference.

Live happily ever after

Babalik ako sa aking ultimate goal for the wedding and that is to live happily ever after.

In terms of finances, start with savings, insurance and investments from the day you plan your wedding NOT loans or utang.

Plan ahead.

Identify your needs and wants; as well as negotiables and non-negotiables para smooth ang planning at ang wedding proper. Use your network to bring costs down and be creative to find for more affordable substitutes.

Finally, keep your vows.

vincerapisura.com


3 Comments

  • Thelma says:

    Thank you so much Sir Vince for the tips for wedding, I am very overwhelmed I’ve learn a lot and I practice this on my wedding day this coming Oct. it was so amazing the truth & the reality it reveals in tips. Thank you so much.

  • Kiert says:

    Such a very helpful idea… Thank you so much po… This is a big help para sa aking otol na ikakasal… 🙂

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: