was successfully added to your cart.

Cart

 

Nauuso ngayon ang OOTD – Outfit of the Day.

Dahil sa social media, marami ang nai-enganyang mag-post ng kanilang kasuotan. Hindi naman ito masama basta hindi kinukuha ang pambili ng damit sa utang. Tsaka hindi naman kinakailangang bago parati ang pang-OOTD.

Maghalukay sa ukay-ukay

Isa sa mga paraan para makatipid sa OOTD ay ang bumili ng mga gamit na damit sa ukay-ukay. Naglipana ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mag-mix and match ng mga lumang damit

Ang tawag ko din dito ay mag-shopping sa sarili mong closet o kabinet. Marahil ay may damit kang matagal nang hindi naisusuot o kaya naman ay hindi mo napagpapalit-palit ang mga damit kumporme sa pantaas o pangibaba.

Mag-invest sa basic and classic clothes

Ang kagandahan ng basic and classic clothes ay hindi ito naluluma. Ang mga fashion designers kong kaibigan ay nagsasabing bumil ng itim, gray at puting damit dahil ang mga ito ay mga kulay na hindi naluluma.

Mag-DIY

DIY o Do It Yourself ang tawag sa pagiging malikhain sa pagaayos o pagre-repair ng mga damit. Dito, kinakailangang matutong manahi o mag-repair ng sariling damit. Halimbawa, ang lumang pantalon ay maaring putulin at maging shorts.

Go unbranded

Maraming alternatibo at mas murang mga damit na hindi kinakailangang maubos ang savings mo. Sa Maynila maari kang magpunta sa Divisoria upang makakuha ng mga damit ng sunod sa uso na hindi mahal. Basta mag-ingat upang hindi makabili ng peke

Express yourself

Ang pagkakaroon ng OOTD ay isang bagay na maaring makapagpasaya sa atin at maari itong gawin nang hindi tayo nagsasayang ng pera.

Laging gamitin ang pagiging malikhain at maparaan upang patok ang ating OOTD.

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: