Ok bang kumuha ng salary loan para pambayad sa credit card?
Target loan payment: <20% of monthly income
Sa aking 5-15-20-60 budgeting rule, nakalaan ang 20% ng income para sa investments. Pero kapag may utang, gamitin muna ito para tapusin ang bad loans bago mag-invest.
Alamin kung anong loan term o haba ng pagbabayad ang kakailanganin para mapababa sa katumbas ng 20% ng iyong monthly income ang amortization sa loan. Kapag nagawa ito, siguraduhing maglaan ng budget para sa insurance at savings ayon sa aking budgeting rule.
Limitahan ang gastusin sa 60% ng income. Hindi dahil bumaba ang binabayaran mo sa loan kada buwan ay babalik ka sa dati mong nakagawian at balik swipe ulit sa credit card.
Bayaran ang bagong utang on time
Kapag nailipat na ang utang, di ito nangangahulugang libre ka na sa pagbabayad. Makakahinga lang nang kaunti dahil bababa ang babayaran kung nasunod ang mga nauna kong rekomendasyon.
Responsibilidad mo pa ring magbayad on time dahil kung hindi, marami pa rin itong negative effects.
Kung sa SSS at Pag-IBIG ka nakapangutang, at hindi mo ito mababayaran, sisingilin nila ito sa retirement fund mo pag dating ng panahon.
Ang mga bangko, lending company at financing companies naman ay gagamit ng mga collection agents para makasingil sa iyo. Katakot-takot na follow up ang gagawin sa iyo.
Kung sa kumpanyang pinagtatrabahuhan naman magkaroon ng bad debt, hindi ito maganda da iyong career. Tingin mo, pagkakatiwalaan ba ng isang kumpanya ang isang empleyadong hindi marunong humawak sa utang?
Use loans wisely
Hangga’t maari, umiwas sa pangungutang at gamitin ang sariling pera. Tandaan na an utang ginagamit sa produktibong bagay hindi sa pagpapakasasa.