Ok bang kumuha ng salary loan para pambayad sa credit card?
Marami akong nabigyan ng payo sa paglilipat ng utang at malaman-laman ko lang ay may utang na naman sa credit card. Dahil ito sa kawalan nila ng disiplina sa pera at hindi pagbabagong-buhay.
It becomes a vicious cycle.
Kaya kung maglilipat ka ng credit card loan, make sure you are doing it for the right reasons. I-address ang iyong spending problem.
Ito ang solusyon para mabura ang utang – pagbabagong buhay o change in lifestyle for the better. Kapag nagawa mo ito, magiging beneficial sa iyo ang paglilipat ng loan mula credit card papuntang salary loan.
“Epektibong paraan upang ikaw ay makaahon sa pagkakabaon sa pagkakautang”
Lower interest rate
Siguraduhing mas maliit ang binibigay na interest ng lilipatang salary loan kaysa sa credit card loan. May iba’t ibang puwedeng panggalingan ang salary loan at iba-iba ang interest rates.
Mababa ang interest rate ng salary loans mula sa SSS at Pag-IBIG kumpara sa credit card. Ganun din sa mga salary loans na pinagta-trabahuhan mo pero maiging i-double check ito kasi may mga nakilala din akong mataas ang bigay sa interest.
Karaniwan ding mas mababa ang mga salary loans mula sa commercial banks. Sa mga rural banks, lending and financing companies naman, madalas ay halos kasing laki lang ng interest sa credit card.
Kaya maging mapanuri at piliin kung saan mas makakakuha ng mababang interest. Kung hindi, walang saysay ang paglilipat ng utang.