was successfully added to your cart.

Cart

OFW Single Mom’s Parisian Experience

By July 31, 2018 OFW

“Mas maganda pa din pag legal.,” payo ni Naida, isang OFW sa Paris, sa mga may balak mag-TNT sa ibang bansa.

——-

Naida: Ako si Naida tubong Leyte. Bale, 16 years na ako dito sa France. 

Sir Vince: Okay.

Sir Vince: Paano ka napunta dito at bakit ka pumunta dito Naida?

Naida: Ang reason ng pagpunta ko dito kasi dahil single mom ako. 

Sir Vince: Okay. 

Sir Vince: Single mom ka so kinailangan mong pumunta dito dahil gusto mong makalimot, ganon?

Naida: Hindi dahil gusto kong makapag… masuportahan ko yung mga anak ko sa Pilipinas.

Sir Vince: Aahh!!!

Naida: Yun. Yun yung reason ko kasi hindi sufficient yung income ko sa Pilipinas para i-provide yung mga needs nila tsaka sa schools.

Sir Vince: So, dahil bilang single mom, I’m sure marami kang challenges na naharap dyan… so, papano mo yun na… pano ka naka-cope being a single mom?

Naida: Ang coping mechanism ko being a single mom is yung inspiration ko lang sa mga anak ko na nabibigay ko yung magandang edukasyon. And then, yung needs nila, nami-meet ko. Siguro, it’s more than enough para sa akin na alam kong okay sila sa guardian na kasama nila sa Pilipinas.

Sir Vince: Okay. So, sino yung tumulong sayo? Kasi di ba, pag ang kinatatakutan ng marami kapag naghihiwalay, mag-isa na lang sa buhay… so, sino yung natakbuhan mo or kinailangan mo ba ng tulong?

Naida: Syempre naman. Tayo naman pag mag-isa na lang sa buhay, kailangan talagang may tutulong sa atin and I am very lucky siguro dahil very supportive yung family ko, yung mga kapatid ko na wala pa silang… yung wala pang asawa, yun yung tumulong na i-guide…

Sir Vince: Okay…

Naida: Yung mga anak ko. 

Sir Vince: So, siya yung parang naging second mom sa mga anak mo.

Naida: Exactly. So, buong tiwala ako na ayun… na na-aalagaan sila ng maayos.

Sir Vince: Okay. Tapos… so, dito naman, syempre na-mimiss mo yung mga anak mo nung nag-umpisa ka dito so, pano ka… anong ginawa mo para malampasan mo yun?

Naida: Ang ginawa ko para malampasan ko dahil nag-iisa nga ako dito, wala akong family, yung constant communication ko sa kanila… yung pag wala akong work, lagi na lang akong nasa phone tumatawag sa kanila… basta, trabaho… bahay… yan… yun lang. Books siguro yun yung comforting zone ko.

Sir Vince: Tapos, papano mo naman natustusan yung mga pangangailangan ng mga anak mo? Ano yung mga ginawa mong iba’t-ibang strategies para maibigay mo yung pangangailangan nila?

Naida: Ang mga ginawa ko strategies para mabigay ko yung mga needs nila is yung pagtitipid kasi hindi ko pwedeng sabayan yung trend ng lifestyle dito sa Paris. 

Sir Vince: Oo ‘no! Pag nandito ka ‘no, you live the Parisian life di ba?

Naida: Exactly. So, hindi ko kaya yun sabayan, I have to… to… to live simp… a simple life and then makapagsave ka at the same time, mapo-provide mo yung needs nila sa Pilipinas. 

Sir Vince: Sabi mo kasi sa akin kanina ‘no, wala kang papel nung nagpunta ka dito. So, pano ka nagkaroon ng papel? 

Naida: With the help din syempre ng mga employers and mga taong nakikilala mo, yun yung tumulong sa akin na maging… maging legal dito sa France. 

Sir Vince: So, kung mabibigyan ka ng pagkakataon at babalikan mo yun, mas gusto mo ba na ulitin ulit na maging undocumented or documented yung status mo? 

Naida: If given a chance na pupunta dito, being a documented is better.

Sir Vince: Better.

Naida: Kasi, yung options mas marami…

Sir Vince: Right.

Naida: Kesa sa undocumented.

Sir Vince: So, ano yung mga options na yun na hindi nakukuha ng mga walang papel?

Naida: Unang-una is yung work. Makakapili ka ng magandang work so kung undocumented ka, dun ka lang sa mga skilled work ang pwede kahit pa marunong kang mag French… makakapag-integrate ka sa kanila, hindi ganun kadali para mag… makapagtrabaho ka sa ibang… like sa mga establishment kasi undocumented ka nga. 

Sir Vince: Balikan natin ang iyong pag-ibig. So, kumusta naman ang pagiging single mom dito sa Paris?

Naida: Okay naman na nacocope-up ko naman yung kahit single mom ako, may inspirasyon din. 

Sir Vince: May inspirasyon din! Wow!

Naida: Oo! hindi pwedeng wala yun! 

Sir Vince: Mukhang hindi tayo tigang! 

Naida: Hindi!

Sir Vince: Okay! At yung mga anak mo, kumusta sila? Nasa Pilipinas pa rin ba sila?

Naida: No. Ang mga anak nandito na sila sa France… sa Paris. Dito na sila nag-aaral. So, yun na yung main goal ko noon na makuha ko sila para dito na sila makasama ko.

Sir Vince: Last na rin na tanong kasi normally, ang tingin ng mga tao kapag single mom parang nag-fail ka na at parang hindi ka maka-concentrate sa mga pagfofocus mo sa sinasabi mo kanina… so, nakabuti ba sayo yung desisyon na maging single mom ka… maghiwalay sa asawa?

Naida: Siguro, ang masasabi ko is naging mabuti para sa akin ang makipaghiwalay kesa naman magdwell ka sa isang relasyon na hindi peaceful. So, ngayon na hiwalay ka, nakakapag-isip ka na ng maayos… na hindi na magulo yung isip mo… merong direksyon yung gusto mong maabot. 

Sir Vince: Okay. Thank you so much Naida ha!

Naida: Thank you Sir Vince!

Sir Vince: It’s nice to meet you here.

Naida: Nice to meet you. Thank you!

 

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: