Hirap ka bang maka-extra income? Huwag panghinaan ng loob. To increase your income, here are some tips from an OFW in Macau.
Sir Vince: Hello Jeraldine.
Jeraldine: Hello Sir. Nice to meet you again. Welcome back ulit sa Macau.
Sir Vince: Thank you. Nasaan nga tayo ngayon Jeraldine?
Jeraldine: Nasa Macau. San Malo po sa famous tourist ng Macau.
Sir Vince: Single ka pa ba Jeraldine?
Jeraldine: Single mom po.
Sir Vince: Ay, winner! Paboritong-paborito ko ang mga single mom.
Jeraldine: Hi, Gian!
Sir Vince: At sino yun?
Jeraldine: Si Gian po, yung anak ko.
Sir Vince: Gian? Hi, Gian. Ilang taon na si Gian?
Jeraldine: Mga 13 years old.
Sir Vince: 13 years old. Taga-saan ka sa atin?
Jeraldine: Taga-Zamboanga City po.
Sir Vince: So, madami kasi sa mga domestic workers na kakilala ko ang nagsasabi na nahihirapan silang humanap ng ibang pagkakakitaan. At napagkwentuhan natin kanina na meron kang dalawang extra na sideline. Anu-ano ‘tong mga trabahong ‘to?
Jeraldine: Aside po sa domestic worker, meron po akong online business na mga accessories, mga beauty products, mga anything po. Tapos, yung anything na kailangan ng mga Pinoy sa Macau. Tapos, yung Travel and Tours ko po na online booking business po.
Sir Vince: Okay, sige. So, umpisahan natin dun sa online business. Papaano ‘to nangyayari? Anong ginagawa ninyo para kumita?
Jeraldine: Example po, yung mga kabayan dito, so kailangan nila ng mga t-shirt, yung mga bagong t-shirt na style, mga pants, shorts, ganun. Depende po sa season. Pag winter, so pang winter po yung ibebenta namin. So, before po kami kukuha ng order, ipopost po muna namin siya sa group ng Macau.
Sir Vince: Okay.
Jeraldine: Example po yung Bahay Kubo sa Macau.
Sir Vince: Okay.
Jeraldine: Ipo-post namin dun tapos o-orderan po nila kami so magcocollect po kami ng mga orders tapos ililista namin. Tapos nagcollect na, saka naman po kami mag-oorder dun sa supplier.
Sir Vince: Oo. Nasaan yung supplier niyo?
Jeraldine: Ipi-pick up po namin sa Hongkong tapos po babalik kami ng Macau for delivery.
Sir Vince: So, kumjusta naman ang kita dyan?
Jeraldine: Okay na okay naman po siya. Talagang pag nag-order po sila, kinukuha naman talaga nila which is thankful po talaga kami sa mga customers namin na talagang pag oorder sila, kailangan talaga nila i-pick up kasi pag hindi po nila pinick up, ma-aabono po kami or kailangan namin ibenta sa iba para balik puhunan po or yung kita na rin.
Sir Vince: Okay, sige. Tapos yung isa naman ay sabi mo ay home-based na Travel and Tours. Papaano naman ‘to gumagana?
Jeraldine: Ito po ay, example yung roommate ko gusto niyang umuwi or may friend siya na i-rerecommend niya. Pa-check naman ng ano, Macau-Manila or Manila-Macau. So, kahit kung nandun ako sa trabaho ko na nagluluto, nagpupunas, pwede po akong mag-open sa website namin na o travel ‘to ano. Open lang dun tapos titingnan namin yung schedule Macau-Manila, Manila-Macau. Yung petsa tapos lalabas na po yung mga presyo dun. Tapos, screenshot send sa client. Tapos po pag okay na po, ibu-book na po namin.
Sir Vince: Wow! Ang galing naman Jeraldine!
Jeraldine: True!
Sir Vince: Paano mo nasimulan na malaman ‘tong mga inpormasyon na ‘to?
Jeraldine: Through friends lang din po.
Sir Vince: Okay.
Jeraldine: Yung online business po, natutunan ko po sa LSE nung nag-23 kasi ako tapos hindi ko natuloy, tinapos ko po nung LSE 31. So, from there po, natuto ako na kailangan kong magkaroon ng extra income aside from work kasi yung domestic worker po, hindi po talaga sapat yung sinasahod namin. So, kailangan po talagang may extra income. So, from there po, ay kaya ‘to. Hindi ako mahihiyang makipag-usap, magbenta-benta. Ganun. So, from there po, unti-unti nadedevelop ko sa sarili ko yung self-esteem ko na kaya ko din palang magbenta.
Sir Vince: Very very inspiring yung kwento mo Jeraldine ‘no.
Jeraldine: Thank you sir.
Sir Vince: So, ipagpatuloy mo pa at pagpalain ka ng Diyos.
Jeraldine: Thank you Sir. God bless din po.
Sir Vince: So, ayan po nakita natin, napanood natin ang kwento ni Jeraldine, isang domestic worker dito sa Macau pero dahil sa kanyang abilidad at pagpupursige, meron siyang extra income na pinagkukunan dito sa Macau. Patunay lang na kung ikaw ay may will, mayroon talagang way para magkaroon ng extra income. So, ako po si Sir Vince dito sa Macau nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan.