OFW and Kalabasa queen si Andi. Panoorin ang pag-asenso niya sa kaniyang kalabasa farm kasabay ng pagtulong sa mga magsasaka.
——-
Sir Vince: Okay! Magandang umaga Pilipinas!Nandito tayo ngayon sa Hongkong!
Andi: Ako po si Andi. 7 years na po dito sa Hongkong.
Sir Vince: Okay. Taga saan ka Andi?
Andi: Taga-Iloilo po!
Sir Vince: Okay! Very good!
Wilma: Ako si Ms. Ma. Wilma Padura from Passi City, Iloilo!
Jaime: Ako si Jaime, taga-Mindoro!
Sir Vince: Okay!
Sir Vince: Okay. So, kasama ko ngayon si Andi. At si Andi, ang sabi niya meron siyang project na ginawa sa Pilip… ano bang trabaho mo dito Andi?
Andi: Domestic helper po sir.
Sir Vince: Domestic worker!
Andi: Ay! Domestic worker, yes!
Sir Vince: Ayan! O, ilang taon ka ng domestic worker Andi?
Andi: 7 years na po ako dito sa Hongkong pero nagtrabaho po ako dati sa Dubai ng 3 years and a half.
Sir Vince: Aahh! Okay. And then, ang balita ko ay nagkaroon ka din ng business ‘no sa ano na nakakatulong sa mga magsasaka sa Pilipinas.
Andi: Yes po.
Sir Vince: Pano yun?
Andi: Yung kalabasa ko po, na-venture ko po siya nung last year lang kasi meron akong farmer na… na… na parang sinabihan ako na gusto nilang magtrabaho pero wala silang pang capital.
Sir Vince: Okay. So, meron kang tinulungang mga farmers…
Andi: Yes po!
Sir Vince: At kayo ay nagtanim ng kalabasa!?
Andi: Yes po!
Sir Vince: O, masasabi ba natin kalabasa queen ka na ngayon!?
Andi: Pumpkin para sosyal!
Andi: Pero hirap po sila sa buhay kasi po wala silang… kumbaga, parang yung kita sa… sa farm, nasusunod lang sa pang-araw-araw na gastusin. So, yung ginawa ko, bale, kinuha ko lang yung capital ko tapos yung the rest hinati namin na tatlo.
Sir Vince: Aahh! Okay. So, ang nangyari, parang ikaw yung nangapital sa kanila and then yung kinita ninyo sa kapital na yun, divided by three?
Andi: Yes!
Sir Vince: Aahh! Hindi siya yung katulad nung ibang mga nangangapital na mas malaki yung napupunta dun sa nagbibigay ng financing.
Andi: Yes!
Sir Vince: Uy! Wow!
Andi: Hati… hati… equal yung hatian namin.
Sir Vince: Naku! Pagpalain ka nyan!
Sir Vince: At saan mo naman natutunan ‘to? Bakit ka may ganyang bukal ng kalooban?
Andi: Kasi, I think Sir, yung… yung… yung family ko, parang nakalakihan ko na yung utang-bayad-utang-bayad parang ganun yung cycle nung… nung family ko so kumbaga parang tumatak sa isip ko na gusto kong tumulong doon sa nangangailangan na without expecting na malaki yung return sa akin.
Sir Vince: Okay! Sige. Very good ‘no! Maraming salamat sayo Andi at sana marami tayong natutunan kay Andi. Hindi lang sa pera ang lahat. Gusto rin nating tumulong sa ating mga kapwa. Okay! Sige!
Andi: Yes po!