was successfully added to your cart.

Cart

OFW Investment: Franchise Business

By August 9, 2018 Business, OFW

Kahit kulang ang knowledge at experience, mapapadali ang business kapag franchise ang pinili. Yan ang ibinahagi ni Marian, isang OFW sa Japan. Panoorin ang aming video para malaman kung paano mag-franchise.

——

Sir Vince: Hello, Marian!

Marian: Hello, Sir Vince! Welcome to Tokyo Shibuya!

Sir Vince: Thank you. Nasa Shibuya crossing po tayo ngayon, ang isa sa mga famous na walks dito sa Tokyo. So, Marian, ilang taon ka na bang nandito sa Japan?

Marian: Mga 20 years na po, sir.

Sir Vince: Ano yung mga naging trabaho mo na dito?

Marian: First time po ako, nag-talent po ako dito. Tapos po, nag-caregiver. Tapos po, ang current job ko ngayon sa Tokyo Disneyland po. Ang pinakanakaka-proud is, nakapagtayo po ako ng business sa Pilipinas ng franchise ng pharmacy sa tulong po ng Ateneo LSE.

Sir Vince: Kumusta naman yung business mo ngayon?

Marian: So far, it’s doing good, sir. Nahi-hit naman po namin yung target namin every month. Tapos ngayon po, sabi ng head office nakapasok kami sa top three improving stores.

Sir Vince: Bakit naman franchise yung napili mo, at hindi ka na lang nagtayo ng sarili mong business model?

Marian: Kapag franchise, mas madali siya. Kasi kulang ako sa knowledge, kulang ako sa experience. So, pag franchise, lahat ng gusto ko, naka-package na. Lahat ng support ng franchisor, nakukuha ko. So hindi ko na kailangang mag-isip kung ano yung mga strategies na iba, natutulungan na nila ako. Pati po sa mga training ng mga staff para quality. The best way po siya ng mga nag start sa business, sir.

Sir Vince: Right. So maraming-maraming salamat, Marian.

Marian: Thank you. It’s my pleasure.

Sir Vince: Hopefully, lumago pa ang iyong business

Marian: Opo, sir, hopefully talaga.

Sir Vince: Hopefully magkaroon ng maraming branches.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: