Hindi pinupulot ang pera abroad. Kaya kailangang marunong humawak nito ang families back home, para mapabilis ang pag-uwi ng OFW sa Pilipinas. Yan ang point ni Wilma, Bayaning Filipino awardee sa Hong Kong.
Sir Vince: So, mga kaibigan, kasama ulit natin si Wilma dito sa Hongkong.
Sir Vince: So, pano ka nagsimula? Anong ginamit… saan ka kumuha ng kapital pangpunta mo dito?
Wilma: Well, actually, nung una alam mo, ni-prenda namin yung palayan namin.
Sir Vince: Okay.
Wilma: Di ba una, mag-agency ka tapos mag-apply ka so, yun ang pinaka-unang step ko na nakarating ako ng Hongkong.
Sir Vince: Tapos, ano yung ginawa mo para ikaw ay umayos ang paghawak sa pera?
Wilma: Actually, lately na nag… nag-attend na kami since… since last 2013, nung napasok kami sa LSE so dun na namin natutunan kung paano magsave, paano magba-budget at tsaka… hanggang sa narating ko na yung level na paano mag-invest.
Sir Vince: Okay. At ngayon ba ay meron ka pang utang?
Wilma: Wala!
Sir Vince: Ay, very good!
Wilma: I’m so proud na… na… nalampasan ko na yun at saka kagaya ng sinabi mo kung paano tayo magkakaroon ng financial security.
Sir Vince: Okay. Sige. Ang hindi po alam ng mga… ating mga viewers ‘no pero si Wilma ay isang nominee sa… bagong bayani.
Wilma: Bayaning ma… ABS-CBN Bayaning Pilipino
Sir Vince: Ayan! Sa ABS-CBN’s Bayaning Pilipino Award for 2015. Okay. At si Wilma din, ang napaka-interesting sa kanya ay kahit na siya ay isang domestic worker dito sa Hongkong, napaka-involved mo sa community at meron kayong programa para doon sa hometown mo.
Wilma: Yes.
Sir Vince: Di ba? Anong pangalan nung hometown association mo?
Wilma: Bale, ito yung Passi City Balik sa Bayan Incorporated, isang NGO na ito ay composed ng mga OFWs’ families and yung mga previous na mga OFWs na umuwi na ng… ng Passi.
Sir Vince: Okay.
Wilma: So, may isa kaming grupo doon na ang pinaka-purpose namin doon is to train them…
Sir Vince: Okay.
Wilma: Uuhh… financial literacy at tsaka nagpartner tayo di ba! Ikaw nga pumunta dun so naisip ko kasi na… na bilang OFWs, hindi lamng kailangan na tayo ang matuto, kailangan involved lagi ang pamilya…
Sir Vince: Right… right…
Wilma: So, naisip ko na hindi lang pwede na kami ang magte-train, kailangan i-train din yung mga families back home para mapadali yung… ng pagbabalik sa Pilipinas.
Sir Vince: So, re-intregration yung programa na ‘to.
Wilma: Re-integration.
Sir Vince: Wow! Napaka… napakaganda naman ng programang yan. At narinig ko rin Wilma meron ka ding scholarship program sa Passi.
Wilma: Oo! Ito naman yung nagpartner kami sa Wimler Foundation, “Send a Child to School” na yung ginamit namin itong Passi City Balik sa Bayan, siya yung nag-oorganize sa iba’t-ibang mga taga-Passi rin sa iba’t-ibang bansa.
Sir Vince: Okay.
Wilma: Halimbawa, sa Canada; sa U.S. saka Denmark so, tumutulong kami sa mga kabataan din sa… sa aming school sa Pilipinas.
Sir Vince: So, in touch kayo sa ibang mga domestic workers in other parts of the world… in other countries to do this scholarship.
Wilma: Yes! Ngayon, yung programa ay nadala na namin sa Passi at tsaka dito sa Hongkong, hindi pa rin kami tumitigil na sa pagte-train. Ngayon, nagte-train na rin kami.
Sir Vince: Okay. So, kayo din yung ano ‘no… yung mga community leaders, local leader, Filipoino leaders dito sa Hongkong na tumutulong sa iba pang mga domestic workers?
Wilma: Yes!
Sir Vince: Okay. Sige. Maraming salamat Wilma ‘no at sana dumami pa ang mga katulad mo dito sa Hongkong at sa… para sa serbisyo sa mga Pilipino sa buong mundo so maraming-maraming salamat!
Wilma: Thank you! Ba-bye!