“Yung expectation ko, hanggang dito lang. Pero, nalampasan nya!”
Be inspired sa kwento ni Tess, isang Pinay entrepreneur sa Spain na ipon ang ginamit na kapital sa negosyo at hindi utang.\
—–
Sir Vince: Hola Filipinas! Estoy a qui en Madrid!
Sir Vince: Hello Tess!
Tess: Hola! Hola Sir Vince! Welcome sa Madrid! Welcome sa aming El Rincon de Juanca.
Sir Vince: Yeah. Oo. Nabalitaan ko nga na nagtayo ka daw ng bagong business mo at ito na nga yon ‘no.
Tess: Yes!
Sir Vince: So, naitayo niyo itong bar and cafeteria kailan? Kailan niyo siya naitayo?
Tess: Last year, May. Actually, one year na kami.
Sir Vince: Wow! Congratulations!
Tess: Thank you!
Sir Vince: At kumikita ka na ba?
Tess: Nakakaraos. Oo naman. Maski papano. Akala ko, eto lang siya pero yung expectation ko na hanggang dito lang, nalagpasan niya.
Sir Vince: Nalagpasan niya. Wow!
Tess: So, natutuwa ako.
Sir Vince: Papaano kayo nagsimula dito? Bakit isang bar cafeteria yung napili niyong business mag-asawa?
Tess: Una, kasi kailangan rin pag-aralan mo eh.
Sir Vince: So, you did your market research ano so to speak.
Tess: Yes.
Sir Vince: Tapos, sinabi mo rin na importante ang reputasyon so papano ba nabi-build yung isang reputasyon?
Tess: Respeto, importante yan at alam mong ilagay yung sarili mo sa tamang lugar. Ganun lang.
Tess: Ang salita is importante. Bago ka magbitaw ng salita, isipin mo. Kailangan, piling-pili siya.
Sir Vince: Sino yung may experience sa pagpapatakbo ng negosyong ganito?
Tess: Well, actually, yung husband ko kasi nagtrabaho din siya sa restaurant.
Sir Vince: Ilang taon?
Tess: Sa… siguro nasa mga eight years. Yung pagiging… yung pagtatrabaho niya dun is ginamit niya bilang kaalaman so nag-observe siya, sino ba ‘tong mga supplier nito.
Sir Vince: Pero Tess, marami kasing mga nagtatanong sa akin na kapag sila ay gustong magsimulang magnegosyo ay nangungu… okay lang daw bang mangutang? Ikaw ba, anong tingin mo dun?
Tess: Gaya nga ng sinabi ko, inaaral, pinag-iipunan at kailangang may pondo ka ng isang taon.
Sir Vince: Uh huh.
Tess: Kasi hindi mo nga alam eh.
Sir Vince: Right.
Tess: So, hindi namin inutang ang pagpapatayo ng business namin.
Sir Vince: Wow! So, talagang pinaghandaan niyo siya ‘no?
Tess: Yes!
Sir Vince: At sinasabi mo, pinag-ipunan. So, gaano niyo katagal pinag-ipunan ‘to?
Tess: Siguro nasa mga eight years din siya.
Sir Vince: So, eight years yung experience ng asawa mo tapos eight years niyo ding pinag-ipunan, so talagang hindi ganun-ganun lang ‘no yung pagtatayo ng business. Talaga siyang pinaghahandaan at pinag-aaralan.
Tess: Yes! Yes! Kailangan.
Sir Vince: Okay. Tapos, ang isa rin sa mga magandang sinabi mo ay pinapasweldo niyo yung sarili niyo. Eh, bakit mo papaswelduhin yung sarili mo eh kayo na nga yung may-ari ng negosyo?
Tess: Well, actually kailangan yun eh. Natutunan ko rin yun sa LSE natin na kasama yan sa gastos/expenses.
Sir Vince: That’s true.
Tess: So, ako, empleyado rin ako ng sarili kong negosyo.
Sir Vince: Last na lang. May nabanggit ka kanina na tatlong prinsipyo mo. Ano yung tatlong ito at i-explain mo ng kaunti.
Tess: Tatag, tiwala sa sarili at tsaka sakripisyo. Kailangan yan eh.
Tess: Tiwala sa sarili kasi ikaw lang ang magtitiwala sa sarili mo kumbaga, mahalin mo muna sarili mo dahil walang magmamahal sa iyo.
Sir Vince: Wow!
Tess: Thank you!
Sir Vince: Maraming-maraming salamat!