was successfully added to your cart.

Cart

Navo-void ba ang ibinabayad sa PhilHealth kapag ito ay hindi nagamit?

By May 28, 2017 Insurance

Ang premium ay ang ibinabayad natin sa insurance company bilang kapalit ng pagbibigay nito ng proteksyon sa panganib o anumang sakuna sa loob ng isang panahon. Binabayaran natin ang panahon na tayo ay nabibigyan ng proteksyon at sakali mang mangyari ang sakuna o panganib, tayo ay makaka-claim ng benebisyo.

Premium as contribution

Kapag hindi natin nagamit ang premium na ibinayad natin sa PhilHealth, ibig sabihin hindi tayo nagkasakit sa panahon na yan. Ang ibinayad natin ay kontribusyon na nagiging bahagi ng pondo ng PhilHealth.

Philhealth Fund

Tinitipon ng PhilHealth ang mga premium bilang kontibusyon natin sa pondo nito. Kaya ang premium natin ay hindi na-void kundi naging bahagi na ng pondo ng PhilHealth.

Ang nalikom na pemium sa pondo ng PhilHealth ang siyang ginagamit nito para may pambayad ito sa mga gastos na kaakibat ng pagbibigay ng insurance protection para sa kalusugan.

Ini-invest din ng PhilHealth ang premium. Ang kita nito ay siyang ginagamit pandagdag pambayad sa mga benefits o claims ng mga miyembro.

Universal healthcare

Dahil ang PhilHealth ay programa ng gobyerno sa layunin nitong magbigay ng universal health care, nagbibigay ito ng subsidies sa mga maralita. Halimbawa, ang gobyerno ang nagbabayad ng premium ng mga indigents at mga senior citizens.

Kaya kapag tinatangkilik natin ang PhilHealth, hindi lang tayo nagbibigay proteksyon sa sarili natin, nagbibigay din ng proteksyon ang ating mga kababayan. Ito ay isang magandang paraan ng pagiging makabayan at responsableng mamamayang Fiipino.

vincerapisura.com


2 Comments

  • Grace says:

    Sir panu po b mlaman kng legit ung insurance company kc dto s hk myron kaizer like q po sna kumuha insurance kaso ng ddalawang isip aq thankz

  • Nerissa genavia says:

    Pano pag natigil ang pag huhulog sa philhealth..ano mangyayari sa mga una mo naihulog..tapos pag naghulog ka ulit counted ba un..

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: