Ikaw ba ay nagpautang, nagparenta, nagbenta at nagbigay ng serbisyo pero hindi ka nabayaran? Magaamit mo ang small claims para mas mabilis na maaksyunan ang iyong hinaing.
Ang small claims cases ay mga civil claims kung saan ang halagang pinaguusapan ay hindi tataas sa PhP200,000 na hindi pa kasama ang interest at iba pang kaakibat na gastos. Ginawa ito ng korte suprema noon 2008 at nagkaroon ng pagbabago sa guidelines nito noong 2016.
Layunin ng small claims na magbigay ng mas simple, mas mabilis at mas murang paraan na pagaayos sa mga kasong may kaakibat na pag-claim sa pera na hindi hihigit sa PhP200,000. Ito ay para mabawasan ang mga kaso sa ating mga korte.
Ang small claims ay maaring i-file sa Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court in Cities, Municipal Trial Court at Municipal Circuit Trial Courts. Dahil ang small claims ay isang civil case, kinakailangan itong i-file sa tirahan ng nagsasakdal (plaintiff) o nasasakdal (defendant).
Mas pinadali ang pagfa-file ng kaso dahil naglagay na ang korte suprema ng mga template forms upang ito ang gamitin ng plaintiff at defendant. Ang mga forms na ito ay (a) statement of claim, (b) verification and certification of non-forum shopping, splitting a cause of action and multiplicity of suits; (c) response; (d) plaintiff’s return / manifestation; (e) motion to plead as indigent; (f) special power of attorney; (g) joint motion for dismissal; (h) motion for approval of compromise agreement; and (i) motion for execution.
Kapag nag-desisyon ang korte sa small claims, hindi na ito maaring ma-apela. Hindi rin pinapayagang magkaroon ng abugado sa hearing.
Para sa karagdagang impormasyon, i-download ang small claims pamphlet.
Paano po ung nagpahiram ng pera tapos wla ng penermahan masisingil pa rin po ba?