Money tips para sa mga millennials
Gamitin ang Internet upang maturuan ang sarili
Gumamit ng Internet upang mapagbuti ang iyong kaalaman sa mga financial products and services at kung paano gumagana ang financial at capital markets. Ang mga naunang henerasyon ay walang ganitong kagandang impormasyon na mabilis nilang makukuha.
Hindi pa ganon kaunlad ang financial at capital markets kumpara sa ngayon. Makisalamuha sa mga taong alam mong makapagbibigay sa iyo ng magandang impormasyon o opinyon sa personal finance. Humingi ng kanilang payo at patnubay.
Karaniwang isinasantabi ito ng mga millennials pero para sa mga naunang henerasyon ang media na nakalakhan namin – dyaryo, radyo at telebisyon – ay sa isang direksyon lang ang daloy ng impormasyon. Naatasan lang kami bilang tagapagtanggap ng impormasyon.
Himukin ang mga eksperto at ang mga may malawak na karanasang financial advisors sa pamamagitan ng social media ngayon na mayroon kayong tsansang gamitin ito.
Alamin kung ano ang nakakapagpasaya sa iyo
Nagdudulot ng kalituhan sa pagdedesisyon ng mga millennials ang pagkakaroon ng napakaraming pagpipilian. Ang kaunting pagsisiyasat na alamin ang sarili ay magiging kapaki-pakinabang para sa iyong financial future.
Kung alam mo ang nagpapasaya sa iyo, mas madali mong mapagpa-planuhan ang iyong hinaharap. Ang pagkilala sa sarili ay function ng iyong needs o wants at kailangan mong pag-aralan kung aling need o want ang uunahin.
Kung anuman ang iyong mapipili sa huli, ito ay magiging ekspresyon ng iyong lifestyle.
Ang pagba-balanse sa maaring mo nang matamasa ngayon na at ang paghahanda para sa financial freedom ay hindi biro. Sana ang mga tips sa pera na nabanggit ko ay magpahintulot para ikaw ay makagawa ng tamang financial choice at mamuhay ng masaganang buhay.
Dahil pagkatapos ng lahat, ikaw pa rin ang tutukoy sa sarili mong kaligayahan sa pamamagitan ng mga pinili mong desisyon sa buhay.