Money tips para sa mga millennials
Mag-ipon at mag-invest nang maaga para makagawa ng passive income
Kapag nagtatakda ng kanilang mga financial goals, maaring makakuha ng udyok o motivation ang mga millennials sa inaasam nilang YOLO lifestyle. Isaalang-alang lang dapat nila na wants ang mga ito.
Ang mga wants ay dapat pinopondohan ng passive income habang ang needs naman ay pinopondohan ng active income. Nanggagaling ang passive income sa interest, dividend, rental income, capital gains, royalties at pension.
Karamihan sa mga ito ay kikitain sa pamamagitan ng pag-iinvest.
Oras ang natatanging yaman na pabor sa mga millennials. Kung magsisimula sila nang maaga, maari nilang samantalahin ang bisa ng compounding interest at earnings.
Iwasan ang consumer credit
Ang utang ay isang tabak na may dalawang talim (double-edged sword). Maari ka nitong gawing mahirap kapag ginamit sa hindi produktibong bagay. Maari ka rin nitong payamanin kapag ginamit na sa mga bagay na kumikita.
Kinakailangang mag-ingat sa pangungutang.
Hindi dapat kailanman pinopondohan ng utang ang wants.
Ang pinaka-simple mong gawin para dito ay mag-ipon para tustusan ang wants. Ang mas magandang estratehiya ay sa pamamagitan ng pag-antala sa kasiyahan (delayed gratification).
Mag-ipon at mag-invest hanggang ang mga ito ay magbibigay sa iyo ng passive income para pondohan ang iyong wants.
Magsimula nang maliit ngunit mangarap nang malaki
Marami ang mga nagtagumpay ay nagsimula sa pagiging maliit, kaya huwag nating minamaliit ang pagsisimula sa maliit. Ang mahalaga ay may sinisimulan gaano man ito kaliit.
Maari itong pag-iimpok nang maliit na halaga buwan-buwan, pagsubok na bawasan ang mga gastusin paunti-unti, o di kaya naman ay pag-iinvest nang maliit na halaga. Ngayon makakapagbukas ka na ng bank account sa halagang PhP100.
Makakapagbukas ka na din ng investment account sa halagang PhP5,000 lang. Ang susi dito ay ang pagiging consistent at disiplinado sa pagsasanay ng magandang financial habit. Ang mga nakagawiang ito ay hahantong din upang makamit ang iyong mga financial goals.