Money tips para sa mga millennials

Tintingnan ng mga Baby boomers ang pera bilang isang bagay na pinaghihirapan. Kailangan ang paggawa upang kumita ng pera. Para naman sa Generation X, gantimpala ang pera at ito ay simbolo ng tagumpay. Tinitingnan naman ng mga Millennials ang pera bilang kasangkapan.

Para sa mga millennials, hindi nila kinakailangang magtrabaho para magkaroon ng pera. Ang pagiging malikhain, ma-diskarte at mapamaraan ang maaring gamitin upang magkaroon ng pera.

Hindi layunin ang pagkakaroon ng pera kundi kung ANO ang maari nilang magawa dahil dito.

YOLO

Marami sa mga Millennials ang nabubuhay sa pilosopiya ng YOLO (You Only Live Once).

Binibigyang-diin ni YOLO ang kahalagahan sa pamumuhay ng “ngayon” kaysa sa pagpaplano para sa hinaharap. Madaling makita ng mga naunang henerasyon kung papaanong ito’y maging isang malaking dagok sa financial future ng mga millennial.

Ang kanilang pag-uugali sa paggastos ay nagpapakita na sila ay bumili ng karanasan. Ang isang karanasan ay maaaring isang pagpapahayag ng isang paraan ng pamumuhay – pag-enroll sa mga mamahaling gym, fitness program, yoga classes o pagkakaroon ng hobby o libangan.

 

Maari rin itong mangahulugan ng paglubog sa kultura. Kaya naman marami sa mga millennials ay binabansagang “travel bug.” Nakakatagpo din sila ng kasiyahan kapag sila ay nagpapalayaw  sa mga food trip, mag-sign up sa mga panibagong subscription sa streaming ng video at mag-party sa pinakabagong “in” na lugar.

Ang lahat ng mga ito ay expression ng YOLO. Ito ay isang pagpapahayag ng life choice.

50% of millennials are overburdened with debt

Sinusuri ng Social Enterprise Development Partnerships, Inc. (SEDPI) ang pag-uugali ng paghawak sa pera ng mga millennial. Ang pananaliksik ay isinasagawa mula Enero hanggang Setyembre 2016 kung saan 75% ng mga respondents ay nagtapos sa kolehiyo.

Naisiwalat ng pananaliksik na 50% ng mga millennials ay overburdened o labis-labis ang pagkakautang. Labis ang pagkakautang ng isang tao kung ang kaniyang binabayarang monthly installment ay lalampas sa 20% ng kaniyang monthly income.