was successfully added to your cart.

Cart

Mga paraan upang ikaw ay kumita kahit hindi nagta-trabaho

By June 28, 2017 Savings

 

May dalawang klase ng income – active income at passive income.

Ang active income ay income na kinkita kapag nagta-trabaho, kinakailangang magpawis at magbanat ng buto. Ang passive income naman ay income na kinikita kahit hindi nagta-trabaho.

May anim na klase ng passive income – rental income, interest income, dividend income, capital gains, royalties at pension.

Rent

Ang rental income ay ang perang nakokolekta bilang kapalit ng paggamit sa isang ari-arian. Ang pinakasikat na rental income ay ang paupahan ng tirahan tulad ng apartments, dormitory at boarding houses.

Maari ding pa-rentahan ang iba pang ari-arian tulad ng sasakyan at mga kagamitan sa negosyo o equipment.

Interest

Ang interest income naman ay kinikita kapag nagpapautang at kapag naglalagay tayo ng savings deposit sa bangko. Hinihiram ang pera sa loob ng nakatakdang panahon at babayaran ng ito ng interest bilang kapalit.

Dividend

Ang shares of stock sa korporasyon at share capital sa kooperatiba ay kumikita ng dividend. Kapag nag-invest sa isang negosyo at ang usapan ay magkakaroon ng paghahati-hati ng kita o profit sharing, maari din itong ituring na dividend.

Capital Gain

Ang capital gain ay ang kita sa pagbebenta ng ari-arian o ng investment. Halimbawa, ang lupang binili ng PhP1 million at naibenta ng PhP1.5 million sa loob ng isang taon ay kumita ng capital gains na PhP500,000.

Maari ding kumita ng capital gains kapag nagbenta ng shares of stock sa korporasyon, share capital sa kooperatibe, mutual funds at unit investment trust funds.

Royalty

Ang royalty ay income na binabayad sa isang taong may legal na pagmamay-ari ng copyright, patent, franchise o ari-arian ng mga gustong gumamit ng mga ito para pagkakitaan. Halimbawa, ang mga manunulat o author ay karaniwang nakakatanggap ng royalty sa kanilang librong isinulat.

Pension

Ang pension ay regular na income na matatanggap pagdating ng retirement age. Ito ay galing sa kontribusyon ng employee (at kadalasan may counterpart ang employer) sa isang investment fund noong nagta-trabaho pa siya.

Ang Social Security System o SSS ay isang uri ng pension, Maari ding kumuha ng mga pension plans sa pribadong organisasyon.

Magsimula nang maaga

Masarap kumita ng passive income. Kaya habang maaga, gamitin ang active income para makabuo ng passive income. Hangga’t makakaya, iwasang gamitin ang active income na gastusin agad.

Hangga’t maari, i-invest muna ito para magkaroon ng passive income. Kung ako sa inyo, pagtutuunan ko ng pansin ang anim na paraan ng pagkakaroon ng passive income.

vincerapisura.com


12 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: